Gwen ‘di ginawang dekorasyon

Gwen

Spotted si Jeremy Marquez sa super grand premiere ng Goyo: Ang Batang Heneral dahil sinuportahan niya ang pelikula ng kanyang fiancée na si Gwen Zamora.

 

Proud na proud si Jeremy kay Gwen dahil sa acting na ipinakita nito sa epic movie ng TBA Studios.

Si Gwen ang gumanap na Remedios Nable Jose, ang love interest ni Gregorio del Pilar at malaki ang exposure niya sa pelikula.

“I’m very proud of Gwenaelle Tasha Mae Agnese. She is amazing in this film. I encourage everyone watch this movie. A very educational and entertaining movie.

“This movie was well made and took more or less a year to finish. Let’s all support and appreciate the effort of this production and cast to raise the benchmark for Philippine cinema,” ang emote ni Jeremy tungkol sa pelikula ng kanyang future wife na pagkahaba-haba ng tunay na pangalan.

I’m sure, very happy din si Gwen sa role niya sa Goyo dahil hindi siya dekorasyon. Binigyan si Gwen ng importansya ng direktor na si Jerrold Tarog at may sariling eksena siya sa ending ng pelikula.

Mga ninuno ni Emilio Aguinaldo, inaantay na ang reaksyon sa ginawa ng Goyo

Ang sabi ng mga dumalo sa premiere night ng Goyo, hindi matutuwa ang mga kamag-anak ni Emilio Aguinaldo kapag napanood nila ang pelikula dahil pinalabas na hindi maganda ang ugali niya.

Sa September 5 pa ang playdate ng Goyo sa mga sinehan kaya abangan na lang natin ang “bayolente na reaksyon” ng mga kamag-anak ni Aguinaldo.

Ikinuwento rin ng mga nanood ng Goyo na maraming katanungan ang sinagot ng pelikula tungkol sa pinakabatang heneral noong panahon ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga Amerikano.

Pagkatapos mapanood ang Goyo, lu­ma­bas ng mga sinehan ang manonood na alam na ang sagot sa tanong kung maituturing ba na bayani si Del Pilar. Siyempre, hindi ko sasabihin para panoorin ninyo ang pelikula at para makilala nang husto  ang tunay na pagkatao ni Goyo.

Manuel L. Quezon ibibigay kay TJ

Umapir sa premiere ng Goyo si TJ Trinidad dahil kasama rin pala siya sa napakaraming cast ng pelikula.

Si TJ ang gumanap na Manuel L. Quezon pero picture lamang niya ang ipinakita.

Kapag natuloy ang plano ng mga produ na gumawa ng pelikula tungkol kay Quezon, may hint na tayo na baka si TJ ang magbida.

Official statement ni Regine, inaantay 

May mga concert si Regine Velasquez sa Amerika sa October sa susunod na buwan at sa pagbalik niya sa Pilipinas, saka pa natin malalaman ang katotohanan tungkol sa balita na aalis na siya sa GMA 7 at mag-oober da bakod sa ABS-CBN.

Hindi pa nagsasalita si Regine tungkol sa lipatan issue pero kalat na kalat na ang balita.

Ang mga tao na nasa paligid ni Regine ang nagsasabi na wala nang atrasan ang paglipat niya sa Kapamilya Network pero wala naman sila sa posisyon para magsalita at mag-confirm.

Mas makabubuti na hintayin na lang ng fans and supporters ni Regine ang official announcement ng kanilang idol bago sila mag-react.

Show comments