^

Pang Movies

Tagumpay ni Lea sa abroad, walang kapantay

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Tagumpay ni Lea sa abroad, walang kapantay
Lea Salonga

Hindi naman sa gusto naming maging kontrabida sa ibang mga tao, pero parang malabo naman na ang naging accomplishments ni Lea Salonga sa abroad ay ikumpara sa kung ano man ang nagawa ng iba. Noong sumabak sa London si Lea, siya ang lead role sa Miss Saigon. Siya mismo si Miss Saigon. Pinangunahan niya ang isang cast na karamihan ay Pinoy, lahat sila unang sabak sa isang musical sa London. Bago si Lea, unheard of ang mga Pinoy.

Pero mabilis na naging malaking hit si Lea sa London, at hindi lang siya hit at minahal ng kanyang audience na paulit-ulit na nanood sa kanya, noong taong iyon, ibinigay sa kanya ng mga kritiko ang Laurence Olivier Award, na pinakamimithi ng mga stage artists sa London.

Dahil sa kanyang nagawang goodwill sa London, isa na siyang mahalagang celebrity noong lumipat siya sa New York para sa Broadway performance ng Miss Saigon. Hindi lang siya naging hit sa Broadway. Siya rin ang kauna-unahang Pinay na nanalo ng Tony Awards, Drama Desk Award, at Outer Circle Critics Award. Noong taong iyon, grandslam siya sa Broadway at London dahil sa kanyang performance sa Miss Saigon.

Si Lea rin ang kauna-unahang Pilipino na naging recording artist ng isang international label, iyong Atlantis. Ang kanyang plaka ay distributed sa US at sa iba pang mga bansa. Siya rin ang kauna-unahang Pinoy na singer na nakapagbenta ng 19 million copies ng kanyang CD sa buong mundo, ayon sa record.

Dahil diyan kaya nabuksan ang lehitimong tanghalan para sa mga kababayan natin, hindi lamang sa London kung di maging sa Broadway. Hinahanap nila ang isang Pinay para lumabas sa role ni Kim sa Miss Saigon. Iyan ang nagbigay daan para kina Monique Wilson, Jenine Desiderio at marami pang ibang sumunod sa kanila. Hanggang ngayon may mga kababayan pa nating nakukuha sa re-run ng Miss Saigon. Papaano mo naman ikukumpara ang naabot na iyan ng popularidad ni Lea sa iba riyan na extra lang sa pelikula?

Aki hesitant pa sa magiging kapatid

Iyong mga mahihilig sa social media, siguradong napanood na ang naka-post na video ni LJ Reyes, kasama ang kanyang anak na si Aki, na pinasasagot niya sa mga tanong para makuha ang reaksiyon noong bata tungkol sa kanyang pagbubuntis. Ang kumukuha ng video, na malalaman mo naman dahil paminsan-minsan ay sumisingit siya sa usapan, ay si Paolo Contis.

Aywan kung ano sa tingin ninyo, pero ang tingin namin mukhang bantulot si Aki sa pagtanggap na magkakaroon na siya ng kapatid. Noong una nga ayaw niyang maniwala kahit na pinapakitaan na siya ng scanned picture ng nasa loob ng tiyan ni LJ.

Siguro nagulat ang bata, at saka siyempre wala siyang kasiguruhan dahil magkakaroon na siya ng kapatid na tunay na anak pareho nina LJ at Paolo.

‘Brokers’ sa showbiz nag-iikut-ikot na para sa awards

Ano ba iyan, ang aga-aga pa may umiikot nang mga “brokers” at nagsisimula nang maghanap ng mga gustong magpalakad sa kanila para manalo ng acting awards. Ganoon na ba talaga kadali ang yumari ng mga awards, o may diretsahan nang nabibili kaya malakas ang loob ng mga broker? Ang sinasabi raw, sigurado na silang nominated at mas malamang na mananalo kung papatulan nila ang offer ng  brokers.

Masakit isipin, na may mga pangalan pa naman kahit na papaano sa showbiz ang mga broker na iyan ng mga awards.

LEA SALONGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with