^

Pang Movies

Lilet nagpaliwanag sa mga ‘thowback’ na intriga!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Lilet nagpaliwanag sa mga ‘thowback’ na intriga!
Lilet

Maraming ‘urban legends’ tungkol sa kanyang sarili na sinagot ang ‘80s actress-singer na si Lilet.

Nagbalik sa GMA-7 si Lilet para gumanap na ina ni Ken Chan sa aabangan na afternoon teleserye na My Special Tatay.

Unang sinagot ni Lilet ay ang naging tsismis noon na kaya siya biglang nawala sa showbiz ay dahil nagtago raw ito sa Japan dahil nabuntis ito.

Taong 1989 sa edad na 15 ay biglang iniwan ni Lilet ang showbiz.

“I was 12 years old when I entered That’s Entertainment. Never kong tinigil ang pag-aaral ko kahit na naging busy ako sa show.

“Pero when I turned 15, doon ko na naisip na I want to concentrate sa pag-aaral ko.

“Hindi nga ako naka-graduate sa That’s kasi nagpaalam na kami kay Kuya Germs. Nakapagdesisyon kami ng mom ko na I will focus on school.

“Yung tungkol naman sa buntis issue, yun ang nakakagulat.

“One of my sisters kasi, nagwu-work siya sa Japan. When I visited her there one time, tinanong niya ako kung gusto ko bang mag-work doon? Alam niya kasi na hindi na active sa showbiz. So nag-oo naman ako.

“Doon na nagsimula ang tsismis na kaya ako nawala sa That’s... dahil nabuntis daw ako at doon ako sa Japan nagtago at nanganak.

“Kaya when I was interviewed sa ABS-CBN 2 when I was part of the teleserye Forevemore, they asked kung ilang taon na ang anak? That time my daughter was just 6-years old. Nagulat sila kasi ang alam nila, much older daw. They really thought na I had a child when I was 15.

“So doon ko lang nilinaw ang lahat. I got married in 1998 and that same year I got pregnant sa first baby ko. Now she’s 10 years old,” sey ni Lilet.

Isa pang naging intriga noon kay Lilet ay tungkol sa ginawa niyang Coke commercial in 1986 kung saan siya ang umawit ng theme song nito na Tomorrow’s People.

Sa Pilipinas lang daw kinunan iyon at dinikit lang daw siya sa naturang commercial para magmukhang kasama niya mga bata na mula sa pa sa iba’t ibang bansa.

“That Coke commercial was shot in Liverpool, England. May pruweba ako kasi nasa akin pa ‘yung passport ko that time at may tatak siya. I will post it on Instagram.

“We shot it sa St. George’s Hall. Ang laki-laki nung venue at totoo ‘yung mga batang nakasama ko roon. Nagkaroon pa ako ng isang friend doon na taga-Hong Kong. Kelan lang kami ulit nag-reconnect kasi nahanap niya ako sa Facebook.

“Now I want to take my daughter there, sa same place kungsaan kami nag-shoot ng Coke commercial. Sana nandoon pa ‘yung hall,” pagtapos pa ni Lilet.

Archie gusto na agad pakasalan si Gee

Usung-uso ang proposal sa showbiz ngayon, after ni Sheena Halili heto at ang vlogger/comedienne na si Gee Canlas ang latest na nakatanggap ng proposal mula sa kanyang boyfriend, ang comedian at Bubble Gang mainstay na si Archie Alemania.

Naganap ang proposal ni Archie sa set ng Inday Will Always Love You.

Sa kuwento ni Gee, ang alam niya ay guest siya sa IWALY.

Naki-join pa sa gagawing proposal ni Archie ang co-stars niyang sina Barbie Forteza at Manilyn Reynes.

Kuwento pa ni Gee ay naging sila ni Archie noong 2010, pero noong 2012 ay naghiwalay sila. Pero nanatili ang kanilang pagiging magkaibigan. Last year ay nagkabalikan silang dalawa.

Hindi na raw patatagalin pa ni Archie ang engagement at gusto niyang ikasal na sila agad ni Gee.

“Hindi ko na patatagalin din. Kasalan na ‘to. nag-oo na eh.”

LILET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with