Life goes on para kay Heart Evangelista-Escudero.
Two months after na dumaan sa depression si Heart dahil sa pagkakakunan ng twin babies nila ni Senator Chiz Escudero, sinubsob ni Heart ang kanyang sarili sa maraming trabaho at kelan lang ay kinuha siyang celebrity endorser ng isang bagong labas na smart phone.
Nasabi nga ni Heart na hindi pa raw siya totally nakaka-move on sa nangyari sa pamilya nila, pero tuloy lang daw ang takbo ng buhay.
Thankful siya na marami pa rin siyang ginagawa tulad ng kanyang pagpipinta, naglabas siya ng kanyang lipstick line, nagbukas siya ng ilang business at kakapirma lang niya ng exclusive contract with GMA-7.
Kaya wala raw dahilan para magmukmok o malungkot siya dahil maraming blessings ang bigay sa kanya ng Panginoon.
Bilang treat pa raw para sa 2.4 million followers niya sa Instagram, nagbibigay ng ilang make-up tips si Heart kapag nagpo-post ito ng video sa Instagram Stories.
Nakasama pala ni Heart bilang ambassador ng smart phone ang mga mister ng mga kaibigan niyang sina Anne Curtis at Solenn Heussaff na sina Erwan Heussaff at Nico Bolzico.
Sa naturang event ay nais imbitahan ni Nico ang mister ni Heart na si Senator Chiz Escudero na maging member ng kanilang Bullied Husbands Club.
Ang naturang club ay samahan ng mga lalaking ina-under ng kanilang mga misis. Tulad nga nila Nico at Erwan, laging um-oo lang sila sa mga kagustuhan ng misis nilang sina Solenn at Anne.
Tawag ni Nico sa mga ito ay mga Wifezilla.
Members din ng club nila ay ang mister nila Isabelle Daza at Georgina Wilson na sina Adrien Semblat at Arthur Burnand.
Heto ang pinadalang invitation ni Nico kay Senator Chiz via Instagram:
“... and the I told her ‘I am the man of the house’! ... Two different reactions while telling the story when I decided pronounced myself as The Man of the House, one from a Bullied Husband as Erwan and another one from a Queen Wifezilla as Heart! Sending the #bulliedhusbandsclub form to Sen. Chiz!”
Mabilis na sumagot si Senator Chiz sa imbitasyon ni Nico:
“willing victims such as you and me aren’t ‘bullied’ but are principled men - those who believe in the ‘happy wife, happy life’ principle... Haha.”
Sinagot naman ni Heart ang kanyang mister na “love you babe!”