^

Pang Movies

The Day After Valentines nanguna sa opening day, Signal Rock kinabiliban

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
The Day After Valentines nanguna sa opening day, Signal Rock kinabiliban

Masigla ang ope­ning day ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 last Wednesday sa Trinoma para kang sumaksi ng Metro Manila Film Festival dahil napuno ang fourth floor dahil sabay-sabay nag-open ang walong official entries.

Noong gabi ay nagkaroon pa ng celebrity screening ang Signal Rock movie ni Christian Bables na directed and produced ni Chito Roño.

Lalong sumaya nang mapasabay din ang block screening ng mga fans nina Sue Ramirez at Jameson Blake na Ang Babaeng Allergic sa Wifi na dinirek ni Jun Robles Lana. Nakakatuwa na maraming tumangkilik sa mga pelikulang kalahok.

Hinangaan ang kagandahan ng Biri Island ng Samar sa Signal Rock at ang magandang story nito at nakita ng mga manonood kung paano mamuhay sa lugar na iyon ang mga tagaroon, na kailangang umakyat pa sa mataas na bundok para lamang magkaroon ng signal at makausap ang mga mahal nila sa buhay na nasa ibang bayan o ibang bansa. Mahusay din ang acting ni Christian.

Hindi namin sure kung totoo ang unofficial box-office gross daw noong opening day, na nanguna ang The Day After Valentine’s ng Viva Films, sumunod ang Unli Life ng Regal Films, Ang Babaeng Allergic Sa Wifi ng The Idea First Company, at Signal Rock.

Pelikulang Petmalu ni direk Joven, may pagka-musical ang theme

Sa mediacon ng bagong barkada movie na Petmalu, maraming nagtanong kung ang title daw ay iyong coined word ngayon na ‘petmalu’ o malupit. Ang writer-director na si Joven Tan ang nag-explain ng title.

“Ang title ay initials ng mga pangalan ng characters na bumubuo sa cast,” ‘P’ is for Pete (Marlo Mortel), ‘E’ is for Edward (Charles Kieron), ‘T’ is for Tim (Diego Loyzaga), ‘M’ is for Max (Brian Gazmen), ‘A’ is for Albert (Vitto Marquez), ‘L’ is for Lester (Jairus Aquino) amd ‘U’ is for Unice (Michelle Vito), the only girl sa barkada. Pare-pareho silang nag-aaral sa isang school pero iba-iba ang kinukuha nilang courses. Nag-form sila ng isang group at sumali sa isang singing contest, na naghahanap naman ng Tropa of the Year” na hosted ni Robi Domingo. Kasama rin nila sa movie si Vivoree Escuto.”

Ang mga first timers sa paggawa ng movie ay sina Charles ng Hashtags, si Vivoree ng PBB (Pinoy Big Brother) at si Brian, a singer from Star Music, na kahit daw busy rin sa studies sa Ateneo de Manila ay nakaka-deliver dahil hilig din nito ang pag-arte.

Dagdag pa ni Direk Joven: “Bawat isang character sa movie ay may kani-kaniyang story at gumanap na mga parents nila sina Yayo Aguila at William Martinez, Sue Prado at Richard Quan, Mitoy Yonting, Marissa Sanchez at Ronnie Liang, Dennis Padilla, Irma Adlawan, Arlene Muhlach. Magkakaroon din ng conflict sa story sina Michelle, Brian at Charles. Partly musical din ang movie dahil may mga eksena sila na ang dialogues ng mga characters ay kinakanta nila.”

Si Direk Joven kasi ay music composer din kaya hindi problema sa kanya ang pag-compose ng songs na ginamit niya sa eksena at ang theme song din ng movie. Mapapanood na in cinemas ang Petmalu simula sa September 5.

SIGNAL ROCK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with