^

Pang Movies

Andrea gustong magpatapyas ng suso

Nitz Miralles - Pang-masa
Andrea gustong magpatapyas ng suso
Andrea Torres

MANILA, Philippines — Ang boobs ni Andrea Torres ang pinagdidiskitahan ng bashers dahil lang sa kasama siya ni Alden Richards sa Victor Magtanggol. Kawawang boobs dahil tinawag na fake, lawlaw at kung anu-ano pang masasamang adjectives. Kaya lang, karamihan sa namba-bash kay Andrea ay ngayon lang siya napapanood.

Hindi nila napapanood dati si Andrea, kaya hindi alam na bata pa ang aktres, boobsie na ito.

Kung nakita nila ang photo ni Andrea noong nasa grade school sa St. Scholastica’s College, makikitang malaki na ang boobs nito, kaya mali ang inakala nilang nagparetoke ito.

Natawa nga kami sa nabanggit nito sa isang interview na gusto sana niyang magpabawas ng boobs dahil mabigat at nabibigatan siya. Takot lang siya sa operasyon.

Sharon-Goma movie tuloy na tuloy na!

Tuloy pa rin pala ang pelikulang muling pagsasamahan nina Sharon Cuneta at Ormoc City Mayor Richard Gomez. Nag-storycon na kahapon, Sunday ang pelikula at nakalagay ‘yun sa IG story ni Richard. Makakasama rin nila si Kathryn Bernardo sa movie.

Sunday ang storycon dahil nasa Ormoc si Richard Monday to Friday at hindi lang naman siguro every Saturday and Sunday lang siya puwedeng mag-shooting. Magagawan ito ng paraan ng Star Cinema, pwede silang mag-shooting sa Ormoc City.

Masayang-masaya ang fans nina Sharon at Richard na finally, matutuloy na ang muling pagsasama ng dalawa. Nakakatuwang basahin ang comments ng fans na hindi pa man nagsisimula ang shooting, gusto nang mapanood ang Sharon-Richard movie.

Winwyn pinayagan sa kapamilya

Pinayagan ng GMA 7 si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez na mag-guest sa Magandang Buhay ng ABS-CBN para mag-promote ng Regal Entertainment movie na Unli Life. Kasama ni Winwyn ang amang si Joey Marquez na nag-guest sa show.

Ang hindi pa natutupad ay ang nabanggit ni Winwyn sa presscon ng Unli Life na showing na simula sa August 15 hanggang 22, na gusto niyang makasamang magsayaw si Vhong Navarro dahil favorite niya noon ang dance group nitong Streetboys. Mangyayari lang ito ‘pag nag-guest si Winwyn sa It’s Showtime, pero payagan kaya siya ng Kapuso Network?

Sa guesting nina Joey at Winwyn sa Magandang Buhay, nasabi ni Winwyn na ayaw nilang magkakapatid na mag-asawa uli si Joey dahil sa mga pinagdaanan ng kanilang pamilya. Okay sa kanila na may bagong partner ang ama, pero wala silang magagawa kung gustuhin ni Joey na pakasalan ang partner niyang si Malou Quintana.

Patas na sina Joey at Winwyn dahil ayaw pa ni Joey na mag-asawa muna si Winwyn at kung pwede raw, ‘pag 45 years old na lang magpakasal ang anak.

Pero bago ang kasalan, panoorin muna ang Unli Life sa direction ni Miko Livelo.                                                                                                           

vuukle comment

ANDREA TORRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with