May kakaibang closeness daw na namamagitan ngayon kina Erich Gonzales at Bryan Revilla, pero ayon kay Bryan, mukhang ‘di naman daw ito mauuwi sa seryosohan.
In the first place raw, ayon pa sa ibang ka-close ni Erich, in a happy relationship ito sa kasalukuyan with someone not in showbiz.
Kay Bryan naman, bagama’t officially separated sila ng kanyang dating girlfriend, na isang dermatologist, wala muna siyang balak makipag-seryosong relasyon muli.
Napanood na raw niya ang Pista Ng Pelikulang Pilipino (PPP) entry ni Erich, na siyang nai-produced nito at unang subok na maging action star. Balak pa niya itong ipa-block screening.
Mag-iinvite raw si Bryan ng friends nila ni Erich para ma-review kung ano ang pros and cons ng movie.
Kasama ni Erich sa pelikula si Alex Medina at idinirek naman ni Richard Somes.
Samantala, ayon kay Bryan, bagama’t sa October pa ipapalabas ang pelikula nilang Tres kasama ang kanyang mga kapatid na sina Luigi at Jolo, ang Vice Governor ng Cavite, may nabubuo na agad sa isip niyang isang concept para sa isang project, at kasama niya sa pagbi-brainstorming si Alessandra de Rossi.
Katulad ng Tres, baka maging magandang pelikula rin ang naiisip nila ni Alessandra kung saan may pagka-drama raw ang genre.
Nasa planning stage pa lamang daw ang lahat, kaya, wala pa silang tiyak kung sinu-sino ang mga artistang gaganap ng important roles at kung sino ang magdi-direk nito.
Hindi raw sila magtatambal sa pelikulang ito, ito raw ang napag-usapan nila ni Alessandra.
Magkakaroon sila ng ibang aktres/aktor na kapareha.
They might introduce new talents daw sa pelikula. At malay daw natin, na from these new faces, a new star will emerge.
Wow, good luck, Bryan.
Nunal Sa Tubig nina Elizabeth at Daria, may restored version
Kung may pagkakataon kayo, panoorin n’yo ang restored version ng Nunal Sa Tubig na ipinalabas noong 1976 mula sa direksyon ni late director Ishmael Bernal at pinagbibidahan naman nina Elizabeth Oropesa at Daria Ramirez.
Parehong may magagandang mukha sina Daria at Elizabeth noon at pareho ring magagaling umarte hanggang ngayon.
Nagkaroon ng special screening ang nasabing restored film noong Wednesday sa isa sa mga teatro ng CCP (Cultural Center of the Philippines) at napuno ito ng maraming manonood. Mapa-oldies man o millennial moviegoers.
Parehong nakadalo sa nasabing event sina Elizabeth at Daria.
Namataan din namin ang anak ni Gary Estrada na si Kiko Estrada.
Si Gary naman ay anak ni George Estregan na siyang gumanap na bidang lalaki sa pelikula. Parehong naka-torrid kissing at bed scenes ni George sina Elizabeth at Daria.
Ang Crown Seven Productions ang nag-produced ng Nunal Sa Tubig at pagmamay-ari ni retired producer, Jesse Ejercito.
Si Jesse ay nakababatang kapatid ni Manila Mayor Joseph Estrada at miyembro rin siya ng Executive Committee ng Metro Manila Film Festival.
Aga nakatanggap na naman ng pagkilala
Aga Muhlach marks his birthday today.
Kahapon, August 11, pinarangalan si Aga kasama ang several distinguished luminaries ng History Maker Award para sa kanyang natatanging kontribusyon sa Nation’s Life And Culture.
Ang History Maker Award ay sponsored ng A+E Networks Asia, at in partnership din sa Philippine Star at ini-launched lang last year.
Congrats, Aga! And happy birthday, too. (Happy birthday Aga. - Salve A.)