^

Pang Movies

Pati-pakiki-zumba sa lola Sarah bumigay na sa mga dating hindi ginagawa

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Pati-pakiki-zumba sa lola Sarah bumigay na sa mga dating hindi ginagawa
Sarah

Kwento ni direk Joyce Bernal, talaga raw ibinigay ni Sarah Geronimo ang lahat ng makakaya sa pelikulang Miss Granny. Before the shooting started ay nagpunta pa raw sila sa homes for the elderly at hinanap nila ang karakter ni Sarah sa movie.

“Nakita naman namin, na-interview niya, naki-zumba ‘yan, nakitsikahan kami sa mga grannies talaga. And ‘yung parang isang activity ng isang granny, ginawa namin ‘yun sa one whole day,” kwento ni Binibining Joyce.

‘Yung peg daw nila na karakter ni Sarah ay nakita nila sa isang home for the elderly sa Marikina na isang 83-year-old granny na at her age ay very active pa raw.

First time raw niyang naidirek si Sarah at kahit napakahirap daw ng role nito ay talagang nakaya raw with flying colors ng Popstar Royalty.

“Binigay niya lahat at saka, marami siyang binigay dito. ‘Yung mga hindi niya ginagawa before, ginawa niya rito,” pagmamalaki ni Bnibining Joyce.

Jameson naka-move on na sa karanasan sa pa-shout out

“I’m okay now,” sagot ni Jameson Blake nang tanungin siya sa presscon ng Ang Babaeng Allergic sa Wifi kung kumusta na siya ngayon matapos ma-bash nang todo ng netizens.

“It was just for a week. Normal naman ‘yun sa industry, ‘yung mga bashing and the only thing I can do is just keep silent and let it die out.”

Matatandaang na-bash nang husto si James kamakailan dahil sa tweet niyang humihingi ng pabor mga graphic artist na igawa siya ng designs para sa kanyang social media accounts at ang kapalit daw nito ay shout out post from him.

Dahil sa nangyari ay nag-delete raw siya ng kanyang social media account for a week.

“It’s kinda weird kasi parang ‘yung character ko sa (Ang Babaeng Allergic Sa) Wifi, hindi siya nagso-social media. Sa totoong buhay nangyari rin.

“Hindi ako nag-social media for a week, and ‘yun, afterwards, I noticed din, there were some people supporting me, I mean, they were helping me rin. Ayun, I’m okay now.”

Pero aminado siyang naapektuhan din siya ng mga pangba-bash at sa first few days daw ay talagang feeling down siya at ayaw niyang lumabas.

Again, nilinaw ni Jameson na wala raw siyang intensyon na idowngrade ang kahit sino at humi­hingi lang daw siya talaga ng pabor but unfortunately ay marami ngang na-offend.

Alden at Kristoffer natatawa kapag nag-aaway

Magkaaway man mga karakter nina Alden Richards at Kristoffer Martin sa Victor Magtanggol, in real life ay sobrang magkaibigan sila kaya nga hirap rin silang i-execute ang kanilang mga eksena.

Si Kristoffer nga, sa pamamagitan ng kanyang IG stories, sinagot ang tanong kung anong nararamdaman niya kapag magkaaway sila lagi ni Alden sa GMA telefantasya.

Aniya, “Natatawa kami pag magka-eksena kami.”

Samantala, lalong nagiging exciting ang mga kaganapan sa buhay ng ating superhero dahil finally ay tinanggap na niya ang hamon bilang itinakda na tagapagtanggol at karapat-dapat na tagapangalaga ng mjolnir.

SARAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with