Puwedeng child abuse
May edad na rin ang aktres na ito, pero sinasabi nga nila na madalas siyang may kasamang mga lalaking halos apo na niya. Ang sinasabi ng iba, siguro nasasabik lang siya sa mga anak niya o sa isang apo kaya may kasama siyang mga boylet.
Wala naman sanang masama sa ganun, hanggang may umamin daw na isa sa mga boylet ni aktres na nagse-sex sila ng may edad na aktres, at binabayaran sila para gawin iyon.
Ang paniwala daw kasi ng aktres, mas sisigla ang kanyang katawan kung bata ang kanyang makaka-sex. Alam kaya niya na maaari siyang kasuhan ng child abuse?
Devon at Kiko buking na ang relasyon!
Noong media launch ng pelikulang Bakwit Boys, natanong si Devon Seron tungkol sa kanyang love life. Inamin naman niya na ang kanyang boyfriend ngayon ay taga-showbiz din. Hindi nagtagal, may nakakuha ng picture ni Devon kasama sa isang mall si Kiko Estrada, at holding hands sila. Iyon ba ang ayaw sabihin ni Devon na boyfriend niya ay si Kiko?
Wala na rin namang nabalitang girlfriend si Kiko simula nang mag-break silang dalawa ni Barbie Forteza. Kaya kung iisipin pareho naman silang single talaga, so ano nga ba ang masama kung sila na?
Lotlot sinagot ang pagiging walang respeto kay Nora
Hindi nakapagpigil si Lotlot de Leon sa naging comment ng isang tao tungkol sa nai-post nilang picture nilang “magkakapatid” na nagkaroon ng isang reunion, pero wala ang “kinikilala nilang nanay” na si Nora Aunor. Sabi sa comment, sana raw binigyan naman nila ng respeto si Nora.
Inaamin namin, maski kami nga ganundin ang naging initial reaction nang makita namin ang picture na iyon na bakit wala yata si Nora? Si Boyet (Christopher de Leon) hindi pa masyado eh, kasi sa totoo lang si Nora lang naman ang nag-ampon talaga sa mga batang iyan, at iyong iba riyan matagal na silang hiwalay ni Boyet pero isinunod pa rin sa apelyidong “de Leon” para nga siguro maging tunay na magkakapatid sila kahit na sa pangalan lamang.
Iyon ang isang bagay pang medyo malabo, bakit hindi isinunod ni Nora sa pangalan niyang “Villamayor” sa mga inampon niya kahit na hiwalay na sila ng naging mister na aktor.
Pero maganda ang naging sagot ni Lotlot. Kung nagkaroon man sila ng isang reunion na wala si Nora, hindi ibig sabihin ay winawalang halaga na nila ang nag-ampon sa kanila. Masakit din naman kasi ang sinabi na kung hindi sila inampon ay baka kung nasaan na sila ngayon.
Tama si Lotlot. Hindi naman nila pinili kung sino ang aampon sa kanila. Pero nagpapasalamat sila at nagkaroon nga sila ng magandang buhay. Iyong magandang buhay, at pagiging isang aktres halimbawa ni Lotlot, maaaring nakatulong na nakilala siya bilang anak ni Nora Aunor. Pero aminin natin, kung si Lotlot ay walang talent hindi rin naman sisikat. Kung si Matet walang talent sa acting, wala rin iyan. Bakit ang iba namang inampon ni Nora, hindi naging artista?
Tama rin si Lotlot, maaaring sa kanilang pamilya ay may issues rin, na hindi naman kailangang ipaalam o ipaliwanag sa publiko. Ang mahalaga nga naman, lalo’t siya ang kinikilalang panganay sa kanila, napapagbuklod-buklod niya silang lahat at nagkakatulungan.
Isipin nga naman ninyo na sila-sila lang naman ang nagtulungan nung panahong nasa US si Nora at hindi naman umuuwi rito. Naatang kay Lotlot lahat ng responsibilidad hindi ba, siya kasi ang kinikilalang “ate” nila.