BB Gandanghari pinagmamalaking may show na sa Hollywood!
Isa si Pops Fernandez sa close friends ni BB Gandanghari sa showbiz, kaya naman nang magpunta kamakailan sa Los Angeles, California ang singer/businesswoman (hindi na siya puwedeng tawaging aktres dahil ayaw na niyang umarte), nagkita ang dalawa.
Sa sikat na Montage Hotel sa Beverly Hills sila nag-catching up at happy si BB na nakapag-bonding sila ni Pops dahil matagal-tagal din silang hindi nagkita.
Type ni BB ang pagpapaiksi na naman ni Pops ng buhok.
Si Pops naman, happy rin daw na maraming achievements ngayon si BB.
Ibinalita kasi ni BB kay Pops na may show na siya sa US, kaya aabangan daw ‘yon ng huli.
“Can’t wait to see BB’s show!” sey ni Pops.
Sabi sa akin ni Pops, mabuting kaibigan si BB, kaya naman kapag nagkakasama sila paminsan-minsan ay pareho silang naha-happy sa kanilang bonding.
“Short but meaningful! Nakaka-happy!” sabi ni Pops.
Marami naman ang excited na sa sinasabing show sa Amerika ni BB.
Ano kayang klaseng show ‘yon? ‘Yun na kaya ang maging susi ni BB para maging isang certified Hollywood celebrity?
Well…
Team blue ni Gerald seryoso sa ensayo, grupo ni Daniel ‘di mabuo
Malapit na ang All Star Game 2018 ng Star Magic. Sa August 19, 3:00PM magaganap ‘yon sa Smart Araneta Coliseum.
Team Blue si Gerald Anderson at makakasama niya roon sina Rayver Cruz, Young JV, Joseph Marco at iba pa.
Team Red naman si Daniel Padilla na kasama si Richard Gutierrez at iba pa.
Sabi ng isang taga-Star Magic na nakakuwentuhan ko, kina-career daw ni Gerald ang practice ng team nila para sa All Star Game 2018. Ang dalas daw mag-practice ng Team Blue at palagi silang complete.
Talo kasi last year ang team ni Gerald sa team ni Daniel, kaya gusto nilang makasigurado ng panalo this year.
Ang Team Red naman, nag-practice na rin kagabi at kasama sa mga nag-ensayo sina Richard, Ronnie Alonte, Ejay Falcon, Jon Lucas at iba pa. Absent naman sina Daniel at Vin Abrenica sa practice ng kanilang team dahil may naunang commitment na.
May shooting daw si Daniel ng Hows Of Us movie nila ni Kathryn Bernardo na hindi pa pala tapos.
Hopefully, bago ang August 19 ay makapag-practice ang Team Red na complete talaga sila.
Sharon tutok sa kanyang concert
Tutok na raw si Sharon Cuneta sa kanyang Sharon: My 40 Years anniversary concert dahil sa September 28 na ‘yon sa Smart Araneta Coliseum.
In fairness, malakas daw ang benta ng tickets para sa concert ng Megastar.
Hindi pa rin talaga matatawaran ang pagiging concert artist ni Sharon, kaya gumagastos pa rin ang Sharonian sa kanyang mga concert.
Ang series of concert ni Sharon sa iba’t ibang lugar din sa Pilipinas ay dinumog din ng kanyang mga fan.
- Latest