^

Pang Movies

Victor Magtanggol sinasabotahe?!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Victor Magtanggol sinasabotahe?!
Alden Richards

Patuloy ang pambubugbog sa on-going series ni Alden Richards na Victor Magtanggol. Nang pormal itong ibinalita na next project ni Alden, may mga kilay nang nagtaasan.

Sumunod ang konsepto at costume ni Alden bilang super hero, naglabasan ang social media troll. Kinopya raw ang konsepto sa Marvel hero na si Thor pati na ang power na dala ng hammer na gaya sa Marvel hero.

Nasupalpal ang haters at bashers nang sabihin na public domain ang tungkol sa Norse mythology na walang nagmamay-ari. Hanggang sa dumating ang pilot telecast ng VM last Monday. Hindi pa rin nagtapos sa social media ang paraan ng paninira sa series dahil nagkaroon ng pananabotahe sa cable signal habang umeere ang first two episode.

Nagreklamo ang ilang cable subscribers sa GMA dahil sa kawalan ng signal sa kanilang lugar habang pinapanood ang episodes ng VM. Idaan nila ang kanilang hinaing sa social media upang iparating ang pagdudurusa nila habang nanonood.

“Ang alam ko kasi sa Sky Cable nakuha ng ‘tong cable dito sa amin eh. Ano, talagang @GMANetwork lang ang wala? Halatang-halata kayo jusko #VictorMagtanggolAngSimula.” - @Ssinz518.

May picture naman ni @rodriguez_rowie ang kuha niya sa TV na may nakalagay na, “No Signal” kaya may tweet siya ng, “bakit wala kaming signal sa skycable?” #victormagtanggolangsimula.”

“Lumaban kayo ng parehas @ABSCBN pakita kami signal ng Skycable #VictorMagtanggolAgSimula,” -- @Aldenfanboy.

Sey  pa ng nasabing netizen, “Nasabotahe kami ng @SkyCable_PH wala kami signal dito sa Tondo #VictorMagtanggolAngSimula.”

Sa totoo lang, hindi lang ang VM ang nagdusa sa ganitong pangyayari kapag natatalo ng GMA programs ang katapat na program sa Channel 2. Eh nu’ng kasagsagan ng Kalye Serye ng Eat Bulaga, walang patid ang signal interruptions kapag Saturday episode na, huh!

Of course, the thing speaks for itself. Sa mano­nood na nanggaling kung saan nagmumula ang signal sa cable na pinanonooran nila. Madali itong idenay pero tao na ang nagsasalita kaya maawa naman kayo!

Di bale, gawin ninyo lang ang gusto ninyong gawin dahil sa bandang huli, pinagpapala pa rin ang mga inaapi!

ALDEN RICHARDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with