Nadagdagan na naman ang kayamanan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach dahil siya ang first Pinay na newest celebrity ambassador ng isang sikat na airline sa Malaysia.
In US dollars ang milyun-milyong talent fee ni Pia na isa na ngayon sa mga pinakamayaman na beauty queen dahil sa title na napanalunan niya, three years ago.
Deserving si Pia sa lahat ng mga biyaya na natatanggap niya sa kasalukuyan dahil nagtiyaga at nagsikap siya. Destiny talaga ni Pia na maging Miss Universe dahil tatlong beses siya na sumali sa Bb. Pilipinas kaya walang nag-akala na matutupad ang kanyang pangarap.
Kararating lang ni Pia mula sa Amerika dahil nag-shooting siya para sa another endorsement at dolyares din ang talent fee na natanggap niya.
Controversial personality, 150k ang hinihinging TF
Tinanggihan ng popular controversial personality na umapir sa special episode ng isang sikat na television show dahil hindi niya talaga type ang anything na may kinalaman sa showbiz. Hindi rin siya komportable na iniinterbyu ng mga reporter na saludo sa talent niya sa ibang larangan.
Nag-pralala ang controversial personality na P150,000 ang talent fee niya na ikinataas ng kilay ng nag-iimbita sa kanya.
True naman ang pralala ng controversial personality na mataas talaga ang talent fee niya. Sinadya rin ng controversial personality na sabihin sa nag-iimbita ang asking price niya na presyong ayaw para hindi na siya kulitin na mag-guest sa television show.
Writer na umokray-okray sa Victor Magtanggol, biglang kinain ang mga sinabi
Binawi ng writer ng isang entertainment website ang mga panlalait niya sa Victor Magtanggol, ilang linggo bago ito umere noong Lunes.
Napalitan ng mga papuri ang mga pang-ookray ng writer na pinanood ang pilot episode ng primetime telefantasya ni Alden Richards.
Buong pagpapakumbaba na sinabi ng writer na nagkamali ito sa early judgment niya sa Victor Magtanggol dahil gandang-ganda at bilib na bilib siya sa unang episode na tinutukan ng madlang-bayan.
Vindicated ang production staff at ang stars ng Victor Magtanggol dahil sa pilot telecast pa lang, napatunayan nila na walang katotohanan ang mga haka-haka na second rate trying hard copycat ng Thor ang show ni Alden.
Ano ang lesson na matututunan sa karanasan ng writer na padalus-dalos sa panghuhusga? Panoorin muna ang show bago mag-emote para hindi malagay sa alanganin ang kredibilidad dahil sure na madadamay rin ang kompanya na nire-represent mo.
Fans at dabarkads todo suporta kay Alden
Pinanood ni Alden sa bahay nito sa Sta. Rosa City ang pilot episode ng Victor Magtanggol.
Maaga na umuwi ng bahay si Alden para sama-sama sila ng kanyang pamilya sa panonood ng show na hudyat ng pagbabalik niya sa primetime ng Kapuso Network.
Maligayang-maligaya at halos maiyak si Alden sa suporta na natanggap mula sa kanyang pamilya, mga kaibigan, kasamahan sa trabaho at fans.
Ibinalita kahapon ni Alden sa live telecast ng Eat Bulaga na number one noong Monday night ang Victor Magtanggol at si Pia Guanio naman ang nagsabi na nag-trending sa Twitter ang primetime show ng Pambansang Bae.
May selfie video sina Ryzza Mae Dizon, Baeby Baste at Ruby Rodriguez na kuha habang pinapanood ang first episode ng Victor Magtanggol bilang pruweba na sinuportahan nila si Alden.
Dahil sa word of mouth na exciting, entertaining at enjoyable ang Victor Magtanggol, nadagdagan ang viewers ng second episode na ipinalabas kagabi.