Sa wakas ay nakilala ko na rin ang bida ng seryeng Onanay na nalalapit nang ipalabas sa GMA 7, si Jo Berry.
In real life, si Jo ay isang normal lang din namang babae. Ang kaibahan nga lang niya sa iba ay ang kanyang height.
Nakuha niya ang kondisyong ito na kung tawagin ay dwarfism, sa kanyang ama. Ang kanyang nanay naman ay normal lang ang tangkad.
Silang dalawa ng isa niyang kuya ang nakapagmana ng kondisyon ng ama. Ganunpaman, pinalaki pa rin sila ng kanilang mga magulang na normal at walang limitasyon.
Kuwento sa akin, ang kanyang inang ilongga na si Lynn ay na-love at first sight daw kay Mr. Berry na isang half Spanish at half American.
Sa kabila ng pagtutol ng kaanak ni Lynn kay Mr. Berry at samu’t saring panunukso ng mga kaibigan niya sa kanya, pinakasalan pa rin niya ito. ‘di nagtagal ay nagbunga ang pagmamahalan nila ng apat na anak. Sina Perry, Perlyn, Philip at Jo.
Pawang mga graduate na sa kani-kanilang kurso ang mga anak nilang ito at talaga namang matatalino.
Samantala, si Jo ay nagtatrabaho sa isang BPO company bago pa man siya magkaroon ng offer sa Onanay.
Pag nakita niyo siya sa personal, parang ang sarap yakapin at paulanan ng halik, dahil para siyang manika. Maganda siya at magaling magsalita, kaya naman ‘di na nag-atubili ang GMA Entertainment Group sa pagkuha sa kanya.
Sa programa ni Mel Tiangco na Magpakailanman unang nagpamalas ng galing si Jo, na-featured kasi ang kanyang true to life story dito.
Samantala, ipapalabas na ang Onanay sa August 6. Mga bigating artista ang makakasama niya rito, ilan na nga diyan ay sina Superstar Nora Aunor at Cherie Gil. Tampok din sa nasabing serye sina Mikee Quintos, Kate Valdez, Wendell Ramos, Gardo Versoza, Vaness del Moral, Enrico Cuenca, Rochelle Pangilinan at Adrian Alandy. Ito ay mula sa direksyon ni Gina Alajar.
Sabay-sabay nating abangan ito mga tsufatid at panoorin!
TV actress madalas mag-water-water tuwing kaeksena ang guwapong bidang aktor!
How true naman kaya na lagi daw nagwewet-wet (namasa-masa haha!) ang napakagandang TV actress na ito everytime na ka-eksena ang guwapong bidang actor sa TV series na magkasama sila. Well, kung ako ang tatanungin, Ok lang yan! At least nare-released ang pag-iilusyon!
Personal...
Maraming salamat kina Bernice, Nora Calderon, Ronald Constantino, Ricky F. Lo, Ethel Ramos, Ma’am Salve, (sa mga prayers) God is good all the time, no limit!