Matutina nakabangon na!

Matutina

Meron akong good news Salve A., para sa mga nag-iisip na hanggang ngayon ay nasa banig pa ng karamdaman ang beteranang komedyante na si Matutina at nangangailangan pa raw ng tulong para sa kanyang pagkakaospital. Well, kami mismo ang nakakita na okay na okay na siya.

 

Nasa special preview siya ng restored version ng pelikulang John En Marsha ‘85 Sa Probinsiya, co-starring her with the late Comedy King Dolphy at Nida Blanca.

Ginanap ang preview sa Cinema Centenario, Maginhawa Street, Quezon City, courtesy of the ABS-CBN Film Archives and Restoration, headed by Leo Katigbak.

Nasa nabanggit na event din sina Maricel Soriano na gumanap bilang dalagitang anak ni Dolphy at Nida sa film at ang anak nitong direktor na si Eric Quizon. Kasama rin doon si Madel de leon (na ngayon ay Mrs. Cedaña na).

Special guests ang ilang entertainment writers at bloggers at si Veanna Fores ng Araneta Coliseum.

Showing na ang John En Marsha ‘85… sa Jeepney TV ngayong araw at bukas, 7 and 10 pm respectively.

Dolphy’s own film firm, RVQ Film Productions produced the movie, with Jett Espiritu as director.

Christian naka-jackpot

Feel ni Christian Bables naka-jackpot siya dahil siya ang napili ni direk Chito Roño na gumanap bilang lead actor sa entry nito sa darating na Pista Ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2, isang proyekto mula sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ni Liza Diño-Seguerra.

Signal Rock ang title ng pelikulang ito ni Christian, kasama niya rin dito sina Francis Mangundayao, Elora Espano, Mon Confiado at Mara Lopez, anak ng beauty queen na si Maria Isabel Lopez.

“All of them had to submit to an audition, bago sila nai-cast sa pelikula” ani direk Chito.

“Kaya, ang masasabi ko, they all performed their characters in the movie true-hearted, kumbaga.

“Especially, Christian, of course,” patuloy pa ni direk Chito.

Kahanga-hanga rin daw lalo ang location ng pelikula, sa Biri Island in Samar, kung saan makikita ang isang kakaibang rock formation.

Happy daw si Christian dahil sa wakas ay okay na rin sila nina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan.

Of course, ayaw na niyang ungkatin pa, kung anuman ang naging ugat ng kanilang samaan ng loob. Basta, tinatanaw daw niyang malaking utang na loob ang mga tulong na ginawa sa kanya ng mag-partner nang nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

Aktor na bida sa isang pelikula, biglang nagbago ang ‘tangkad’ ng ilong

Sa presscon ng isang pelikula, pinag-usapan ang bidang lalaki kung ito raw ba ay sumailalim sa isang nose lift. Kapansin-pansin nga naman kasing di na tulad ng dating tamang-tama lang ang ‘height’ ng kanyang ilong.

Well, kung sabagay, ‘di na bago, kung ang isang pasikat na artista, mapa-lalaki o babae ay sumailalim nga sa retoke kung afford naman nila ito.

Kahit sino naman ay may karapatang magpabago basta afford mo. Di ba, Salve A.? (Ay aprub na aprub po ‘yan basta ‘wag mukhang Pinocchio ang tangos. Hahaha. – Salve A.)

Nathalie bida sa Patayin Sa Sindak

Magkakaroon pala ng pangatlong remake ang pelikulang Patayin Sa Sindak Si Barbara na orihinal na pinagbidahan ni Susan Roces at dinidirek naman ni late Celso Ad Castillo.

Ang pangalawang pelikula naman nito ay gina­napan ni Lorna Tolentino at si Direk Chito Roño naman ang nagdirek.

Para sa pangatlong remake nito, bali-balitang si Nathalie Hart naman daw ang gaganap na lead actress na ipu-produce naman ng ABS-CBN para sa Netflix.

Inilabas noong 1974 ang Patayin Sa Sindak… ni Susan.

Samantala, Susan turns another year older today, July 28.

Many happy returns of the day, Susan. (Happy birthday po Tita Susan. – Salve A.)

Show comments