Ate Vi nagkasakit pagkagaling ng bakasyon, nanood na lamang sa TV ng SONA
Absent kahapon sa State of the Nation Address ni President Rodrigo ang Star for All Seasons na si Vilma Santos, ang House Representative ng Lipa City.
Not feeling well si Mama Vi dahil may lagnat, ubo at sipon siya dahil magkaibang-magkaiba ang weather sa Singapore at sa Pilipinas.
Nanggaling si Mama Vi sa Singapore, kasama ang pamilya niya at dahil sa sobrang init doon, nagkasakit siya nang bumalik sa Pilipinas.
Imbes na dumalo sa SONA, pinanood na lang ni Mama Vi sa TV ang live telecast ng SONA ni Papa Digong.
Kung pinilit ni Mama Vi na dumalo kahapon sa SONA, baka lalong bumigat ang pakiramdam niya dahil sa isyu ng palitan ng liderato sa Kamara.
Na-delay ang SONA ni Papa Digong dahil sa coup de etat na nangyari sa Lower House na resulta ng kontrobersya sa pagitan nina House Speaker Pantaleon Alvarez at Pampanga House Representative Gloria Macapagal-Arroyo tungkol sa house speakership sa unang araw ng pagsisimula ng 17th Congress.
Bagong House Speaker na si Gloria Arroyo pinatayan ng audio habang nanunumpa
Hindi ko na tinawagan sa cellphone si Alfred Vargas para malaman ko ang real score sa house speakership struggle.
At kahit hindi ko nakausap si Alfred, mabilis na kumalat kahapon ang balita na si former President Gloria Macapagal-Arroyo ang bagong Speaker of the House dahil siya ang pinili ng mga kasamahan niya sa Lower House.
Naloka lang ang televiewers dahil pinatayan ng audio si GMA nang manumpa ito kahapon bilang bagong Speaker of the House kaya lalong nalito at naintriga ang madlang-bayan.
Suot ni Tito Sen sa SONA payak na payak lang
Nakaka-proud panoorin sa TV na mula sa showbiz ang senate president, si Tito Sotto at ang direktor ng SONA, si Joyce Bernal.
Nasubaybayan ko ang showbiz career ni Tito Sen noong singer pa siya at nang maging Eat Bulaga host sila nina Vic Sotto at Joey de Leon.
Ang popularity ni Tito Sen ang dahilan kaya nahalal siya noon na Vice-Mayor ng Quezon City at eventually, senador ng bansa.
Maipagmamalaki mo talaga na produkto ng showbiz si Tito Sen na simpleng barong Tagalog lang ang outfit. Pareho sila ni Papa Digong na payak din ang kasuotan kung ikukumpara sa maburloloy na Barong Tagalog ni ousted House Speaker Pantaleon Alvarez.
At dahil si Tito Sen ang senate president, dumalo kahapon sa SONA ang kanyang misis na si Helen Gamboa na katabi sa upuan ni former President Joseph Estrada.
Isang oras na na-delay ang SONA ni Papa Digong kaya sure ako na maraming napagkuwentuhan sina Papa Erap at Helen.
Pagdidirek ni Direk Joyce, mas nagustuhan kesa kay Direk Brillante
Marami ang pumuri sa direksyon ni Joyce Bernal sa SONA dahil hindi ito madrama at ibang-iba sa direksyon ni Brillante Mendoza noong 2016 at 2017.
Parang indie movie ang direkyon ni Brillante sa mga nakaraang SONA ni Papa Digong ang reaksyon ng fans at pang-commercial movie naman na madaling maintindihan ng masa ang sey ng televiewers tungkol sa trabaho ni Joyce.
Type ko ang sinabi ni Papa Digong sa kanyang SONA tungkol sa giyera niya laban sa droga, ang “Your concern is human rights, mine is human lives” na sinalubong ng malakas na palakpakan ng mga mambabatas at ng mga tao sa audience gallery.
- Latest