^

Pang Movies

Meg lumabas ang katapangan

Nitz Miralles - Pang-masa
Meg lumabas ang katapangan
Meg Imperial

MANILA, Philippines — Ayaw magpatalo si Meg Imperial sa netizens na nagko-comment sa Instagram (IG) page niya at ang ginagamit na hashtag ay #freepaco #giveuptomorrow. Ang tinutukoy ng netizen ay si Paco Larrañaga at ang Give Up Tomorrow ay title ng documentary tungkol sa buhay ni Paco na isa sa na-convict sa rape at pagkawala ng Chiong sisters na isinapelikula naman ang buhay sa Viva movie na Jacqueline Comes Home.

Sabi ni Meg, “I can’t help Paco. So leave my comment section alone. You’re on the wrong IG account. Go to our gov.s account.” Sa nag-comment na inosente si Paco sa akusasyon, ang sagot ni Meg, “That won’t do anything to help him. Commenting to a photo that has nothing to do with the matter. Go to government page and flood them with your hashtag. They might notice you and take action.”

Mas matapang si Meg kesa kay Donnalyn Bartolome na apektado sa comments ng moviegoers at netizens at nagpahayag ng disappointment sa Viva Artists Agency na hindi raw tinupad ang pangako na sasabihin sa movie ni Mrs. Thelma Chiong ang totoong nangyari sa magkapatid na Chiong.

Gabby ipa-partner kay Jodi

Gagawa pala ng pelikula si Gabby Concepcion dahil siya ang magbibida at gaganap sa role ni Carding sa bagong movie adaptation ng Gulong ng Palad. Si Jodi Sta. Maria ang napisil sa role ni Luisa sa pelikulang ididirehe ni Laurice Guillen at produced ng Cineko Productions.

Nakita namin ang photos ni direk Laurice kasama ang cast na kinabibilangan nina Edgar Allan Guzman, Ina Feleo, Denise Laurel, Francis Magundayao at iba pa.

Boots parang serye ang lovestory

Naikwento ni Boots Anson Rodrigo sa presscon ng Dito Lang Ako ang love story niya bago niya makilala ang first husband niyang si Pete Roa. Parang sa pelikula at TV lang nangyayari na inayawan siya ng mom ng BF niyang si Pete Roxas at ang best friend nilang babae na pinalabas ni Pete Roxas na GF niya ang nakatuluyan nito.

After mamatay si Pete Roxas, nakita ni Boots sa airport ang mom at sister ni Pete Roxas, unang lumapit sa kanya ang sister ng ex-BF at sinabing nagso-sorry ang mom niya. Hindi raw aware si Pete Roa sa nangyari, pero dahil matagal nang nangyari, agad pinatawad ni Boots ang mom ng ex-BF na hindi siya tinanggap.

Anyway, si Boots ang gumanap sa role ng old Nelia (si Michelle Vito ang young Nelia) na hinintay ang pagbabalik ng una niyang pag-ibig na si Delfin (Jon Lucas na ang old Lucas ay ginampanan ni Freddie Webb).

Sa direction ni Roderick Lindayag, produced ng Blade Entertainment ang Dito Lang Ako na showing sa August 8.

MEG IMPERIAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with