Jacqueline mas pinanonood!

Meg at Donnalyn

Nasa Greenhillls, San Juan ako kahapon at showing pa rin doon ang controversial movie ng Viva Films, ang Jacqueline Comes Home.

 

In fairness, kahit may mga nagpoprotesta at nagsasabing huwag panoorin ang first directorial job ng anak ni Direk Carlo J. Caparas, si Ysabelle Peach Caparas, may mga curious pa rin naman na nanonood nito.

Dahil nga yata sa mga nasabing panawagan, parang mas dumarami pa ang nanonood ng pelikula.

Sina Meg Imperial at Donnalyn Bartolome ang mga bida at dahil sa mga pamba-bash ay obvious na sobrang stressed ang inabot ng huli dahil sa isang posting niya sa kanyang social media account kung saan ay pinakiusapan niya ang management company niya na Viva Artists Agency na paki-clear ang totoong istorya kung paano siyang naging parte ng nasabing pelikula at ‘yung sinasabing “surprise ending” ng pelikula na walang nakakaalam sa cast kung ano.

Bunso nina Sarah at Richard, sanay na agad bumiyahe

Sobrang na-miss ng mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama ang mga apo nilang sina Zion at Baby Kai, kaya nang dumating ang mga ito noong Friday night kasama sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ay kaagad nilang pinuntahan ang mga apo.

Isang buwan din kasi sa Europe ang dalawang bata kasama ang kanilang mga magulang.

Sabi ni Bisaya, bilib siya sa bunsong apo dahil kahit three months pa lang si Baby Kai noong umalis pa-Europe ay parang sanay na itong bumiyahe.

Behaved daw kasi si Baby Kai sa plane.

Kahapon nga pala ay four months na si Baby Kai kaya may pa-cake na naman sina Richard at Sarah sa anak.

The Clash lumalakas

Happy ang GMA 7 management dahil parami nang parami ang mga nanonood sa singing competition nilang The Clash.

Bukod daw kasi sa intense na labanan ng mga clashers, nagustuhan ng viewers ang theme song ng programa na pinamagatang Mangarap Ka, Laban Pa na kinanta at kinompose ng Filipino singer/rapper/songwriter na si Quest.

Patok nga sa viewers ng The Clash ang kantang ito na mayroon nang halos 18,000 views sa official YouTube channel ng The Clash matapos itong i-upload.

Samantala sa episode kagabi at mamaya, hinihintay pa rin ng natitirang 30 contestants ang kanilang kapalaran ngayong nabawasan na nga ang bilang ng Clashers matapos ang intense One-on-One battles.

Si Regine Velasquez-Alcasid ang host ng The Clash at aminado siya na nasasabik siya sa weekly taping nila dahil nae-excite rin daw siya sa choices ng judges na sina AiAi delas Alas, Christian Bautista at Lani Misalucha.

Show comments