Unforgettable para sa K-pop artist at GMA Artist Center resident oppa na si Alexander Lee ang pagkamatay ng kapwa niya Korean singer na si Jonghyun ng boy group na SHINee who died in December 18, 2017 by taking his own life.
Sa presscon ni Alexander na ginanap noong Lunes para sa kanyang comeback single, ayon sa Korean singer/actor, up to now ay tandang-tanda pa niya ang date ng pagkamatay ni Jonghyun.
“So, I remember that we were just taping and some really heard and saw in internet that SHINee Jonghyun has passed away. I said, ‘no way, that’s a prank, it’s imposibble.’ But after checking and confirmed it was real, it broke my heart,” kwento ni Alexander Lee.
Ayon pa sa singer/actor, sabay daw silang nagsimula ni Jonghyun noong taong 2008 kaya naman talagang masakit daw sa kanya ang nangyari sa ka-batch.
Ayon sa mga lumabas na reports noon, nagpakamatay si Jonghyun dahil sa depresyon at ayon kay Alexander, dahil dito ay gusto raw niyang makapag-raise ng awareness sa mga tao about depression at willing daw siyang sumuporta sa mga kasamahan niya sa showbiz lalo na sa mga kabataan kung kailangan ang kanyang tulong para maiwasan ang mga ganitong pangyayari.
Samantala, nariritong muli sa bansa si Alexander para i-promote ang bago niyang single kasama ang kapwa Korean singer na si Marucci. Tinatawag na AXM ang kanilang collaboration at gagawa sila ng mga kantang magbibigay-inspirasyon at magpapasaya sa kanilang followers.
Out na at pwede nang i-download ang kanilang first single na Keep Ya Head Up sa Melon, Itunes, Spotify, Mnet at iba pang leading music sites worldwide.
Jennylyn nalulumaan na sa nakaraan kay Mark
Natuwa naman si Jennylyn Mercado na tanggap na tanggap pa rin ng mga tao ang tandem nila ni Mark Herras at ang dami pa ring kinilig nang magkaroon sila ng love angle sa The Cure.
Sa Twitter nga ay gabi-gabing pinag-uusapan ang mga eksena nila at napakaraming fans ang nagsasabing kinikilig pa rin daw talaga sila sa Mark-Jen loveteam.
Si Mark ang unang ka-loveteam ni Jen. At siyempre, dahil magka-loveteam, nauwi sa isang totohanang relasyon ang kanilang pagtatambal pero later ay nauwi rin sa hiwalayan.
Kwento nga ni Jen, sa The Cure ay lagi pa rin silang kinakantyawan at tinutukso ng mga staff.
“Sobrang luma,” natatawa niyang sabi.
Puppy love kung i-describe ni Jen ang naging relasyon nila ni Mark dahil mga totoy at nene pa sila nu’n.
Kinukuwento nga raw ng direktor at production staff sa The Cure kung paano sila mag-away noon at para silang aso’t pusa.
Si Tom Rodriguez ang talagang kapareha ni Jen sa The Cure pero ang nangyari nga raw, sandali lang niya nakasama ang aktor at mas mahaba ang love angle nila ni Mark.
Malapit na ring magtapos ang serye kaya ngayon pa lang ay nalulungkot na ang mga manonood na sinubaybayan ito mula simula hanggang ngayon.