Nagkaroon ng “reunion” sina Ruffa Gutierrez, Jackie Forster, Donita Rose, Sunshine Cruz at Karla Estrada noong Sunday.
Kasama sana roon si Vina Morales, pero may work siya, kaya nanghinayang na hindi nakasama sa bonding ng kanyang mga kaibigan na kapareho niya ay naging mga regular din sa That’s Entertainment.
Kuwento ni Ruffa, “Si Karla ang nag-invite. Siya rin ang pumili ng restaurant.”
Sa L’Opera sa Bonifacio Global City sila nagkita-kita.
Marami silang mga alaalang binalikan, kaya ang saya-saya raw.
Sinamantala nila ang pagkikita-kita habang nandirito pa si Jackie.
“Si Karla ang nag-treat. Nang dumating ang bill, lahat, gustong magbayad, pero ayaw ni Karla kasi siya ang nagyaya, kaya treat daw niya,” kuwento pa ni Ruffa.
Sobrang saya nga raw kapag nagkakasama-sama sila.
“Sabi namin, mauulit ‘yon,” sabi pa ni Ruffa.
Pero baka hindi kaagad maulit dahil paalis mamaya si Ruffa kasama ang mga anak na sina Lorin at Venice pa-Los Angeles, California at almost three weeks sila roon.
Balak din pumunta ng mag-iina sa San Francisco. Sa L.A. na rin daw magpi-15 birthday celebration si Venice sa August 3.
Megan maririnig sa Anime
Ang media launch kahapon ng Barangay 143, ang the first-of-its-kind Filipino themed and all-Filipino made anime TV series soon to hit GMA 7 (ngayong September yata ang airing nila).
Sabi ni Rein Escaño na nag-imbita sa event na ‘yon, “Voiced by an all-star Filipino cast with the likes of Cherie Gil, John Arcilla, Edu Manzano, Alice Dixon, Ruru Madrid, Migo Adecer, Kelley Day and Julie Anne San Jose among others.”
Ang bongga, huh!
Noong una, sa kuwento ni Rein, kasama rin sa nag-voice roon si Megan Young, pero sinabi niyang may inaayos pa raw tungkol sa partisipasyon ng actress/beauty queen, kaya hindi na muna nila ina-announce pa ang pangalan niya.
Hindi raw ang Kapuso network ang producer ng Barangay 143 at blocktimer lang sila.
Enzo mas kilala na
Si Enzo Pineda sa Manny Pacquiao-Lucas Matthysse boxing fight sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Anak ni Representative Eric Pineda na kilalang malapit kay Pacquiao si Enzo at sa tuwing may boxing fight ang ating Pambansang Kamao ay palaging nandun ang aktor.
In fairness, maraming mga fan ang natuwa nang makita si Enzo.
Mas kilala na siya ng mga fan ngayon dahil nasa ABS-CBN na siya!
Nasa Pacquiao fight din si Pancho Magno at ang misis niyang si Max Collins.
Anak si Pancho ng GMA 7 executive na si Ms. Redgie Acuña-Magno na naging abala rin sa nasabing boxing fight.
Si Redgie ang pinakamalapit na GMA 7 executive kay Manny!