Manny napatunayang may asim pa, ‘amang’ si Lito nakaayos na

Congratulations kay Senator Manny Pacquiao dahil winner siya sa boxing fight nila ni Lucas Matthysse na ginanap kahapon sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Round one pa lang, alam ko na mananalo at pababagsakin ni Papa Manny si Matthysse dahil sa porma pa lang, lamang na lamang siya.

Siyempre, masayang-masaya ang mga Pinoy na dumayo sa Kuala Lumpur para personal na saksihan ang Pacquiao-Matthysse fight.

Nanahimik naman ang mga nega na nag-predict na matatalo si Papa Manny dahil mas bata sa kanya si Matthysse.

Bago umakyat sa boxing ring si Papa Manny, kumain muna siya ng kanyang favorite na ulam, ang tinolang manok.

Hindi rin nakaligtaan ni Papa Manny ang nakaugalian na tradisyon, ang pagbabasa ng Holy Bible bago siya sumabak sa laban.

Iniaalay ni Papa Manny ang kanyang tagumpay sa Panginoon, sa pamilya niya at sa lahat ng mga Pilipino.

Nagbubunyi ang buong Pilipinas dahil sa karangalan na muling ibinigay ni Papa Manny sa Pilipinas.

At bilang wagi siya sa bakbakan nila ni Matthysse, mukhang hindi pa pagpapahi­ngahin ni Papa Manny ang boxing gloves nito dahil na-prove niya na may asim pa siya.

Salamat naman at nakita ko ring nanood si Cong. Lito Atienza ng laban ni Sen. Manny Pacquiao. ‘Di ba parang tatay ni champ Manny si Cong. Lito at lahat ng laban niya ay nakasuporta talaga siya na parang tatay. For a while may naging tampuhan sila dahil sa pro at anti life issues, kaya nang makita ko sila na magka-usap sa Malaysia, kitang-kita at dama mo ang happiness ng bawat isa. Isa pa ring sigurong malaking factor iyon kaya kalmante ang loob ni Champ Manny bago ang laban. At tuwang-tuwa si Cong. Lito nang manalo siya. Hay naku, ang daming nag-wish ng goodluck kay Manny, sina JV Ejercito, Cutie del Mar , Inah Alegre Cruz, Tito Sotto, Ralph Recto, Gen. Bato at Bongbong Marcos. Hay naku, alam mo talaga ang daming nagmamahal sa champion natin, love you Manny Pacquiao.

Show comments