Anak ni Direk Carlo sumusumpang maganda ang pinaghirapang pelikula

Peach

Sayang at sobrang late na nang nakarating si Peach Caparas sa venue in Quezon City ng presscon for Jacqueline Comes Home (The Chiong Story), which marks her debut as a movie director.

Sinisi niya ang sarili sa pagiging late dahil ‘di nya raw inagahan ang alis. Di raw kasi niya naisip na puwedeng sobrang ma-trapik, since Friday nga ginanap ang presscon at nataon pang payday.

Ang mga entertainment press na hindi na naabutan ang pag­dating ni Peach ay tiyak na mag-e-enjoy sana sa pag-interview sa kanya. Hindi lang kasi siya sa pagiging articulate magaling both in English and in Tagalog, but engaging as well, like her Mom, the late Donna Villa.

Nagbigay naman ng assurance si Peach sa mga dumalo ng kanyang presscon na maganda ang kanyang unang pelikula. Imagine nga naman, katulong niya rito ang tatay niyang director-producer na si Carlo J. Caparas na nagsilbing kanyang assistant director.

Ang pelikulang Jacqueline Comes Home ay pinagbibidahan nina Meg Imperial at Donnalyn Bartolome bilang The Chiong Sisters from Cebu City kung saan sila na-kidnapped, na-raped at pinatay ng mga kalalakihang galing sa mayayamang pamilya. Nangyari ang krimen na ito noong 1997 at 4 years old lang si Peach nang mga panahong ‘yun.

“But her parents knew the whole story. And, luckily, too, pumayag ang hanggang ngayon buhay pang mga magulang nina Jacqueline at Marijoy na isapelikula ang naganap sa dalawang anak, nang kausapin sila ni direk Carlo,” ani kibitzer.

Tawag Ng Tanghalan magko-concert sa Araneta

Magaganap na sa July 28 ang pinakahihintay ng mga tagasubaybay ng segment ng It’s Showtime na Tawag Ng Tanghalan, dahil magsasama-sama sa Araneta Coliseum ang mga pinakamagagaling na mang-aawit ng TNT para sa isang concert na first time pa lang mangyayari.

Kahit hindi man nanalo ang iba sa kanila, considered naman na full fledged recording artists na sila, dahil automatic na silang recording talents ng bagong tayong TNT Records.

Kasama sa nasabing event ang TNT Boys at ang bagong TNT Grand Champion na si Janine Berdin. Guest performer naman sina Yeng Constantino, Ogie Alcasid, Jaya at Kyla.

Samantala, nang tanungin naman ang first TNT champ na si Noven Belleza kung anong mga pagbabago ang naganap sa kanya mula nang maging professional singer siya, ang kanyang maliksing sagot: “Nakabili na po kami ng sarili naming lupang sakahan.”

Dati raw tumutulong si Noven sa kanyang ama, na isang magsasaka. At ang sakahan na kanilang tinatamnan ng palay, ay kanila lang inuupahan.

Christian, Direk Perci at Direk Jun, balik na sa dati ang turingan

Ang popular TV host at writer na si Boy Abunda na pala ang talent manager ngayon ng aktor na si Christian Bables.

Minsan kasing naging talent manager na rin ni Christian sina Perci Intalan at Jun Lana, pero dahil nga sa di pagkakaunawaan, nagkasira sila. Pero magandang balita, dahil nabuo nang muli ang pagkakaibigan ng tatlo nang magkita-kita sa launch ng 2018 Pista Ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magsisimula na sa August 15 hanggang 21.

Silang tatlo ay mga entries sa nasabing event. Ang kina direk Jun at Perci ay ang pelikulang Ang Babaeng Allergic Sa WiFi habang kabilang naman si Christian sa cast ng Signal Rock na idinirek naman ni Chito Roño.

Show comments