Did we hear it right Salve A., kasalukuyang kinakausap daw ng mga emissaries ng production nina Vic Sotto at Coco Martin si Maine Mendoza para gumanap bilang leading lady nila sa first Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entry nila, ang action-comedy nilang Popoy En Jack, The Puliscredibles kung saan silang dalawa ang co-producers.
Pagmamay-ari ni Vic ang M-Zet Productions at co-producer din siya sa APT Entertainment, habang si Coco naman ay pagmamay-ari ang CCM Films.
Samantala, sinabi ni Coco na hindi siya ang magdidirek ng kanilang gagawing pelikula.
Ang mga artista nga raw pala na gustong mapabilang pa sa serye niyang FPJ’s Ang Probinsyano ay nakakasigurong may pagkakataon pa sila dahil extended pa nga ang nasabing palabas hanggang February 2019.
Dalawa na nga sa napasama rito kamakailan lang ay ang komedyanang si Whitney Tyson at former singer na si Eva Vivar.
Zanjoe at Maja may ibang ginagawa
May isa pa palang pelikulang ginagawa si Zanjoe Marudo bukod sa pelikula niyang Kusina Kings under Star Cinema with Empoy Marquez, ito ang To Love Somebody nila ni Maja Salvador na gumaganap bilang kanyang leading lady.
Bali-balita ngayong nakahanap na siya ng kapalit sa wakas sa ex-girlfriend niya ng tatlong taon na si Bea Alonzo.
Narinig namin na mas bata sa kanya ng ilang taon ang rumored girlfriend ng binata at isa itong modelo.
Samantala, si Bea naman ay tikom pa rin ang bibig tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Gerald Anderson.
Pops at Zsa Zsa excited nang maging lola
Handa na nga bang maging mother-in-law at maging lola ang Concert Queen na si Pops Fernandez?
Well, mukhang ang sagot ay oo, dahil okay lang daw sa kanya kung ang panganay niyang si Robin Nievera ay magpakasal na anytime soon sa anak ni Zsa Zsa Padilla na si Zia Quizon.
Si Zsa Zsa nga raw ay naiinip nang magka-apo, hindi pa rin daw kasi siya binibigyan ng apo ng kanyang anak na si Karylle na nauna nang nagpakasal kay Yael Yuzon for three years now.
O, hayan, ha, baka maging Lola na si Zsa Zsa, dahil kay Zia na ang tatay ay si Dolphy.
Samantala, parang homecoming ang nangyari sa Concert King na si Martin Nievera sa katatapos lang niyang performance kasama ang cast ng ASAP Live sa Honolulu, Hawaii. Lumaki kasi si Martin sa nasabing lugar kaya meron daw talaga siyang soft spot para doon.