Congratulations kay Pambansang Bae Alden Richards. Last July 1, narinig at na-download na sa iTunesPh ang first single niyang I Will Be Here para sa third music album niya sa GMA Records. Nag-trending agad ito at last Monday, nag-release na ang World Music Awards on Twitter ng mga nangunang singles last week.
Ang Top 10 Digital Tracks ay ang I Will Be Here ni Alden Richards bilang top 1; BbomBhoom ng Momoland; Perfect ni Ed Sheeran; Baam ng Momoland; Right Here ni James Reid; Walang Papalit ng Music Hero; Dura ni Daddy Yankee; Mundo ng IV Of Spades; Rewrite The Stars nina Zac Efron at Zendaya at Ddududhudu ng BlackPink.
Madaling nakarating kay Alden ang magandang balita habang nasa abroad at nagti-taping ng bago niyang action-drama-fantaserye na Victor Magtanggol.
Huwag mainip ang mga naghihintay dahil mapapanood na rin ang full trailer nito next week at very soon sa GMA 7 primetime block.
Bea nagpapayat dahil kay Sunshine
First mature role ni Bea Binena sa GMA 7, ang Kapag Nahati ang Puso. Ready na ba siya to play the role of Claire sa new morning family-drama na makikipag-agawan siya sa isang lalaki, sa kanya pa namang tunay na ina, na gagampanan ni Sunshine Cruz?
“First mature role ko nga po ito,” sagot ni Bea. “Thankful po ako for the opportunity na ibinigay sa akin ng GMA. Nang malaman ko po ang role ko rito, nag-workshop na ako, inaral ko na ang script at na-challenged din ako na magpapapayat dahil tingnan naman ninyo ang nanay ko rito, si Ms. Sunshine, napaka-sexy niya. Alam ko pong magagampanan ko ang role ko, dahil bukod kina Ms. Sunshine at Ms. Bing (Loyzaga), si Tito Zoren (Legaspi) at sa director namin, si Direk Gil Tejada magga-guide sa akin dito.”
Sa story ay tunay na anak nina Sunshine at Zoren si Bea, pero nagkahiwalay sina Sunshine at Bea nang isilang niya si Bea sa isang bus accident at si Zoren ang nakakuha kay Bea. Si Sunshine ay nagkaroon ng magandang buhay abroad at nang bumalik ay isa nang sikat na fashion designer. Pareho nilang mami-meet si Banjamin Alves na nagkaroon ng relasyon sa dalawa. may magpaparaya ba sa kanilang dalawa?
Sa Monday, July 16 na mapapanood ang Kapag Nahati Ang Puso 11:30 AM bago ang Eat Bulaga.
Direk Jun, direk Perci at Christian, nagkaayos na
It’s good na lumapit na si Christian Bables at nag-sorry kina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan nang makita niya ang mga ito sa presscon ng eight official entries ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) last July 9 sa Sequoia Hotel.
More than a year ago nang tinanggihan ni Christian na gawin ang Born Beautiful na ginawa ng IdeaFirst Company para sa kanya. Ang role ay napunta kay Martin del Rosario at ngayon ay tapos na at ready nang ipalabas sa Cignal TV.
Tinanggap nila ang sorry ni Christian dahil feeling nila ay sincere naman ang actor.
Si Direk Jun ang producer ng Ang Babaeng Allergic sa WIFI at si Christian kasali sa Signal Rock na dinirek ni Chito Roño.