Habang nagmo-motorcycle si Richard Gutierrez around Europe, si Sarah Lahbati naman ay ine-enjoy ang pagba-bonding kasama ang parents niyang sina Abdel at Esther Lahbati.
Kung saan-saan nga namamasyal around Geneva, Switzerland si Sarah kasama ang kanyang parents at minsan naman ay isinasama rin nila sina Zion at Baby Kai.
Pero after a week naman daw, magsasama uli sina Richard at Sarah, pati ang kanilang mga anak at kung saan-saan na naman sila mamamasyal bago bumalik ng bansa sa July 19.
Aubrey magwo-workout kahit buntis
Kahapon ay nag-post si Aubrey Miles sa kanyang Instagram account (@milesaubrey) ng “Pregnant or not pregnant I’m working out. Starting a new workout journey. I love a new challenge #amilesphatpregnant.”
Actually, marami rin namang mga buntis na katulad ni Aubrey na nag-e-exercise pa rin dahil may mga exercise naman na bagay talaga sa kanila.
Kahapon din ay kinumusta ko si Aubrey tungkol sa mga nararamdaman niya ngayong buntis siya.
Text ni Aubrey, “It’s so weird ‘coz this is the first time that I’m experiencing morning sickness. Never had this with my two kids.
“It’s hard pala, hirap pala ng morning sickness. I’m in my 2nd trimester now and meron pa rin. I’m craving black cherries and Fuji apples. I like salad and fruits pa rin.
“Ayoko ng mga bitter taste or sour!”
Anyway, dahil nga sa pag-e-exercise pa rin, marami ang nagsasabing mukhang hindi masyadong lalaki si Aubrey habang nagbubuntis.
Aktor binayaran ng post dated check ng isang ahensiya
Finally, ipinasok na pala ng isang aktor ang cheque na ibinayad sa kanya ng isang agency para sa isang project na ginawa niya noong February pa at dapat ay matagal na siyang nabayaran.
Delayed na kasi ang bayad kay aktor.
Nang matanggap naman niya ang check ay postdated.
Nang ide-deposit na, pinakiusapan pa si aktor na huwag muna.
Pero dahil nainis nga ang management team ni aktor, ipinasok na rin kahapon ang check.
Sana lang daw ay may pondo ‘yon at huwag tatalbog dahil magre-react na talaga ang legal department ng TV network na kinabibilangan ni aktor.
So, sa ngayon, abangan na lang ang susunod na kabanata…