Sarah chill chill muna!
Sobra nga ang ipinayat lately ni Sarah Geronimo, Salve A., at hindi niya na kailangang sabihin pa na pagod siya, dahil hitsura pa lang niya ay halata na.
Mabuti na lang at mismong si Bossing Vic del Rosario na ng Viva Entertainment kung saan siya nakakontrata, ang nagsabi na magbakasyon siya kahit isang buwan.
Mag-29 na si Sarah sa darating niyang birthday nitong July 24.
Kamakailan lang ay nagkaroon ng series of concerts si Sarah sa U.S. at tapos na rin niyang i-shoot ang soon-to-be released movie niyang Miss Granny (20 again), na isa palang adaptation ng popular Korean film.
Mula sa direksyon ito ni direk Joyce Bernal, kung saan kasama rin niya sina Xian Lim at James Reid.
Susan maalaga sa katawan
Malamang ay alam na ngayon ni Susan Roces na na-extend na naman ang FPJ’s Ang Probinsyano hanggang 2019, pinagbibidahan ito ni Coco Martin at gumaganap bilang Cardo, at siya naman bilang Lola Flora ni Coco.
At home si Susan sa schedule ng taping niya sa nasabing serye, every other day ito at ang cut off niya ay hanggang 12 midnight lang. Maaga rin siyang dumarating sa taping.
Maalaga si Susan sa sarili, kaya di mo aakalaing mag-77 na siya sa darating niyang birthday sa July 28 (ka-birthday niya ang dating first lady ng U.S. na si Jackie Kennedy-Onassis).
Malakas pa rin ang pakiramdam niya sa sarili, and obviously, kahit ‘di man sabihin, malaki ang tulong ng pagiging endorser niya ng RiteMed, dahil naiinom niya ang tamang gamot na kailangan ng kanyang katawan. Besides, may alam din si Susan kahit papano sa medisina dahil ang kanyang amang si Jesus Sonora (kung saan isinunod ang kanyang totoong pangalan, Jesusa Sonora) ay isang doktor ng medisina.
Sa kasamaang palad, walang sumunod sa yapak ng kanilang ama na maging doktor, sa kanilang tatlong magkakapatid. Ang kapatid niyang si Rosemarie Sonora ay nag-artista rin.
Kylie at Aljur tuloy na ang kasal
Ang bilis lang talaga ng panahon Salve A., sa August 4 pala ay eksaktong one year old na ang anak nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla na si Alas.
Nakapamanhikan na rin daw si Aljur at ang pamilya nito sa pamilya ni Kylie, obviously para hingin ang kamay ng dalaga.
Ang tatay ni Kylie ay si Robin Padilla na kalaunan ay natutunan na ring magustuhan si Aljur para sa anak.
Naghahanda na sila ngayon para sa kasal, at ayon kay Aljur, hopefully daw ay maikasal na sila bago matapos ang 2018.
Parehong busy ngayon ang dalawa sa kani-kanilang projects, si Aljur sa serye niyang Asintado na pinagbibidahan ni Julia Montes at Shaina Magdayao sa ABS-CBN at si Kylie naman sa seryeng The Cure sa GMA-7 kung saan kasama rin niya si Ruru Madrid bilang kanyang leading man.
Nonoy at Willie first time magsasama
Frustration din pala ito ni Nonoy Zuñiga na isa ring doctor-turned-balladeer. Apat lahat ang kanyang anak at wala rin dito ni isa ang nag-aral ng medisina. Pero may isa siyang anak na sumunod sa yapak niya bilang singer at sa Amerika ito nagpe-perform kasama ang grupo.
Si Nonoy ang nagpasikat ng ilang ‘di malilimutang kanta noon, kabilang na rito ang paboritong kanta ni late Fernando Poe Jr. (FPJ), ang Doon Lang.
Isa lamang ang kantang ito sa kakantahin niya sa kanyang concert sa darating na July 27 sa The Theatre of Solaire, titled Music and Laughter, kasama ang undisputable King of Impersonation, si Willie Nepomuceno.
Produced ito ng Grand Leisure Corporation at ito ang unang pagkakataong magsasama ang dalawang icon na sabay magpe-perform sa nasabing concert.
Kim mas priority ang ibang pelikula kesa sa entry sa MMFF
Out na pala si Kim Chiu sa cast ng The Girl In The Orange Dress na idinirek ni Jay Abello na kasama sa entry ng MMFF (Metro Manila Film Festival) 2018.
Balitang nag-begged off daw ito, sa kadahilanang may gagawin daw siyang ibang pelikula. Makakasama niya sana sa The Girl… sina Jessy Mendiola, Jericho Rosales, Sam Milby, Tom Rodriguez at Kit Thompson.
- Latest