^

Pang Movies

Anne magso-solo sa Aurora!

Veronica Samio - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Kung ang apat na naunang pelikula na inanunsyo ng MMFF (Metro Manila Film Festival) na napili para sa taunang Pista ng Pelikula sa taong ito ay pa­wang star-studded o nagtatampok ng mga ma­lalaking artista sa kanilang cast, tila nag-iisa at solo si Anne Curtis sa horror/thriller na Aurora ng Viva. Ganun kabilib angViva sa kakayahan ng host ng It’s Showtime na dalhing mag-isa ang pelikula.

Samahan man siya ng mga magagaling na co-stars, kay Anne pa rin naka-depende ang movie.

Ang tatlo pang pelikula na magbibigay ng magandang laban kay Anne sa MMFF 2018 ay ang Popoy en Jack, The Puliscredibles na pinal nang pagsasamahan ng dalawang top personality ng magkalabang networks na GMA at ABS CBN na sina Vic Sotto at Coco Martin; ang Fantastica, the Princesses, The Prince and the Perya nina Vice Ganda, Maris Racal, Loisa Andalio at Maymay Entrata.

Tama kaya ang dinig ko na interesado rin ang Unkabogabol Star kay Alden Ri­chards para makasama sa movie niya? Si Jessy Mendiola naman ang makakatambal ni Jericho Rosales, Sam Milby, Tom Rodriguez at Kit Thompson sa Girl in the Orange Dress.

Matapos ang matatagumpay niyang horror films, isang love story ang tatampukan naman ni Kim Chiu kaya ito hindi nakasama sa pang-MMFF movie.

Dingdong at Dennis gagawing Christopher at Phillip

Sayang at sa isang te­leserye lamang mapagsasama sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo. Pang-movie ang kumbinasyon nila, pwedeng pang-MMFF.

Mala-Cain at Abel daw sa GMA na titulo rin ng pelikula ng magaling at p­remyadong direktor na si Lino Brocka at nagtampok kina Philip Salvador at Christopher de Leon.

Unang naisip ng Kapuso Network na ibigay ang proyekto kina Aljur Abrenica at Alden Richards na naiwan na sa paglipat ng una sa kalabang istasyon.

Bong makakabalik na sa normal na buhay

Buti naman at hindi nakaapekto kay Bong Revilla ang pagkakadiskubre ng cellphone sa posesyon niya.

Maganda ang ibinabadya ng huling hearing ng kaso niya tungkol sa pork barrel scam dahil inilabas siya ng natitirang witness sa pagkakasangkot sa kaso. Lumaki ang pag-asa ng pamilya niya at mga supporter na makalabas na siya sa PNP Custodial Center at kung saan ay apat na taon na siyang nakakulong.

Gusto na nilang mabalikan niya ang kanyang normal na buhay ay maitaguyod ang sinisimulan na ng mga anak niya na paggawa ng pelikula.

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with