MANILA, Philippines — Isa pang napapabalitang naghiwalay na rin daw ay ang magaling na aktres na si Rita Avila at ang kanyang asawang si direk FM Reyes.
Nagbukod na raw ng tirahan si direk, dahilan para ulanin ng mga tanong si Rita sa taping ng seryeng Araw Gabi nina Barbie Imperial at JM de Guzman.
Mahirap daw ang mag-isa pero isasakripisyo niya ang kahilingan ng asawa na gusto munang mag-isa para sa gagawin nitong upcoming project sa ABS-CBN.
Grabe raw kasi ang suporta ni direk FM kapag may book launching siya, kaya napapayag daw siya agad sa pag-iisa nito.
Nagtuturo raw si direk FM sa ABS-CBN University at kailangan niyang i-devote ang sarili sa bagong assignment.
Hindi naman siya totally mag-isa, nariyan naman ang kanyang tatlong manyika na tinuring niya nang anak, sina Mimay, Pipoy at Pony.
Nagpapasalamat si Rita sa mga sumusuporta sa Araw Gabi at sa mataas na ratings nito.
Jolo at Jodi nagpo-promo lang daw?!
Marami ang nanghihinayang kung totoo nga ang hiwalayang Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria. Walong taon din naman kasi ang itinagal ng kanilang relasyon.
Hindi raw siguro totoo ang balitang selos ang dahilan ng kanilang hiwalayan, dahil ang mga kapareha ni Jodi sa seryeng Sana Dalawa Ang Puso na sina Robin Padilla at Richard Yap ay pareho nang may mga asawa, si Jolo naman ay sinabing magkaibigan lamang sila ni Rhian Ramos na leading lady niya sa pelikula nilang Tres, dahil maging si Rhian ay may boyfriend din.
May mga nagsasabing baka raw nagpo-promo lang sina Jolo at Jodi dahil sa balitang bubuhayin nga raw ulit ang Imus Productions ng mga Revilla.
Well who knows, baka nga tama ang akala ng lahat na sila pa rin at nag-iingay lang.
Ara consistent sa pagtulong sa utol ni Aiko
Simpleng birthday celebration lang ang ginawa ni Deborah Sun para sa kanyang anak na si Jam Melendez, utol ni Aiko Melendez na ngayon ay 36 years old na.
Suportado din ni Ara Mina si Jam at ng nanay nito. May mga nagtatanong tuloy, bakit si Ara ang sumusuporta at hindi si Aiko na kapatid ng binata?
Samantala, marami ang humahanga kay Ara dahil sa sobrang kabaitan sa kapwa, kung kaya naman daw sobra ang mga blessings nito sa buhay.
Coco nakakalimutan na ang ibang misyon dahil kay Yassi
Tama ang ginawa ni Coco Martin na isama sa serye niyang FPJ’s Ang Probinsyano ang mga artistang napaglipasan na ng panahon.
Nakakatulong talaga si Coco, ‘di tulad ng ibang artista diyan na akala mo kung sino nang mataas. Madamot at nakakalimot pa.
Samantala, baka naman daw sa sobrang panunuyo ni Coco kay Yassi Pressman ay makalimutan niya nang may mga kasamahan siyang nasa bingit ng disgrasya.
Sa Ang Probinsyano lang naman ‘yan.