John Lloyd hinihintay mauntog ang ulo!
Inalala ng ilang fans, showbiz friends at ng Star Magic ang birthday ni John Lloyd Cruz last Sunday kahit na nga kumawala na ang aktor sa management team niya.
Pawang mensahe ng pagsusumamo na bumalik na sa showbiz si Lloydie dahil miss na miss na nila ang mahusay niyang pagganap. Siyempre, hindi puwedeng iwan ni JLC si Ellen Adarna na balitang malapit nang manganak.
Naku, hayaan muna nating maging private citizen si John Lloyd hangga’t hindi pa nauuntog ang kanyang ulo, huh!
Andre at Gerald nagpasiklaban sa paliga ni Pacman
Nagpasiklab din sa basketball court si Andre Paras sa laban ng team niyang Imus last Saturday sa Maharlika Pilipinas Basketball League. Tilian sa kanya ang manonood sa venue nang maka-shoot siya sa three-point area, huh!
Bale second game na ni Andre ang laban nu’ng Biyernes pero mas agresibo siya nitong pangalawang laro dahil bukod sa rebounds ay naka-shoot na rin siya, huh!
Hindi lang si Andre ang artistang nahikayat sumali sa paliga ni Senator Manny Pacquaio. Player din si Gerald Anderson na bahagi naman sa Team Marikina. Pero sa huling laro ng team niya, eh, hindi naman siya nakitang naglaro dahil injured pala siya.
Abangers siyempre ang audience ng MPBL ang paghaharap ng team nina Andre at Gerald. Imagine, dalawang guwaping na artista ang titilian sa basketball court, huh!
Benjie Paras must be a proud father dahil hindi lang ang anak na si Kobe ang nasa larangan ng basketball kung hindi pati na rin si Andre kahit na nasa showbiz pa rin siya.
PCOO ni Sec. Martin kota sa rami ng mali
Sunud-Sunod ang blunder ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na pinamunuan ni Secretary Martin Adanar.
Viral na naman ang pagkakamali nito sa isang press release kung saan pinangalanang Winston si Senator Gatchalian sa halip na Sherwin, huh!
Hindi pa nga nakaka-get over ang netizens sa Norwegia at ang pangalang Rogelio sa halip na Roilo (Golez), heto na naman sila sa bagong pagkakamali, huh!
How ironic, huh!
- Latest