Dingdong nagdalawang isip nang idirek si Marian

Dingdong Dantes

MANILA, Philippines — Isang taon na ang Tadhana at ngayong Sabado (June 23), mismong ang host nito na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang bibida sa anniversary special ng nasabing top-rating program ng GMA Public Affairs.

Ito ang unang pagkakataon na bibida si Marian sa nasabing weekly drama anthology ng GMA Public Affairs.

Sa loob ng isang taon nitong pamamayagpag sa telebisyon, naging instrumento ang Tadhana upang maibahagi sa viewers ang mga paghihirap at balakid na hinaharap ng mga OFW para maitaguyod ang kanilang mga pamilya na naiwan sa Pilipinas.

Nagpahayag ng pasasalamat si Marian sa suporta ng mga manonood sa kanyang programa, partikular na ang mga OFW.

At mas lalo pang naging espesyal ang paparating na episode dahil mismong ang kabiyak ni Marian, si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, ang direktor ng anniversary special.

Inamin ni Dingdong na noong una’y nag-alinlangan siyang mag-direk ng episode, ngunit nang kalauna’y tinanggap din niya ang proyekto.  

Superhero Mo nina Alden at Ex-B, bumenta sa YouTube

Sila Alden Richards at ang rap group na Ex Battalion na nga talaga ang naging superhero of the day ng mga netizens na nakapanood ng Spotlight Music Sessions nila sa GMA nang kantahin nila ang Superhero Mo na OST ng upcoming series ni Alden na Victor Magtanggol.

Pumatok kasi ang collaboration nilang ito dahil nagdala ito ng isang nakakagood vibes na araw sa kanila. Bukod sa nagka-LSS (o Last Song Syndrome) ang mahigit 70,000 Youtube viewers na nakapanood nito, nagagandahan din sila sa mensahe ng kanta. Very inspiring at maganda raw itong motivation sa kanilang lahat. Sa comments section, puring-puri ng netizens ang Ex Battalion at si Alden dahil swak ang kanilang pagsasanib-pwersa para kantahin ito.                                                    

Show comments