^

Pang Movies

Direktor na nagpasikat ng pelikulang Mang Kepweng, nakaratay kailangan ng tulong

Vir Gonzales - Pang-masa
Direktor na nagpasikat ng pelikulang Mang Kepweng, nakaratay kailangan ng tulong
Direk Mike

MANILA, Philippines — Pagkagaling ni konsehala ng Talavera, Nueva Ecija na si Barbara Milano sa Cebu City ay agad itong dumiretso sa ospital ng Valenzuela Medical Center sa Valenzuela, Bulacan para dalawin si Direk Mike Relon Makiling na nagpasikat sa pelikulang Mang Kepweng at marami pang iba. Kaawa-awa ang kalagayan nito, napaiyak na lang si Direk Mike nang makita si Barbara na dumalaw sa kanya, ‘di niya raw akalain na may dadalaw pa sa mga natulungan niya noon.

Hindi makapaniwala si Barbara na naiyak dahil sa matinding awa at  sa sinapit ng dating direktor, nasa munting kuwarto na lang daw ito at nakaratay, katabi ang iba pang pasyenteng may sakit. Bukod tanging ang anak lang niyang si Amor ang nagbabantay sa kanya, ‘di na raw siya dinadalaw ng iba pa niyang mga anak.

Sana ay mabigyan naman ng tulong si Direk Mike ng KAPPT (Kapisanan ng mga Artista sa Pelikula at Telebis­yon) na pinamumunuan ni Imelda Papin na isa ring kilala sa pagiging bukas palad.

Alonzo natabunan na

Usong-uso ang mga bata ngayon sa telebisyon at pelikula. Nagpapatalbugan ang It’s Showtime at Eat Bulaga sa pagkakaroon ng show ng tungkol sa mga bata, maging si Baby Baste ay rumarampa na sa mga eksena at siyempre, hindi rin pahuhuli si Ryzza Mae Dizon. Pero teka, bakit wala yata sa eksena ang magaling at cute na anak ni Niño Muhlach na si Alonzo Muhlach?

Nag-aaral daw kaya or ayaw ng mag-showbiz?

Sayang si Alonzo, magaling pa namang umarte at malakas ang atraksyon sa publiko.

Pagiging action star ni Alden, kinokontra!

Marami ang nag-react sa pakulo ng Kapuso na babaguhin daw ang imahe ni Alden Richards at gagawin itong parang action star. Gusto na kasi ata nilang alisin ang pabebe image nito at gawan siya ng mas matured role.

Papaano naman kaya nila ito mabibigyang hustisya, eh ang puti-puti ni Alden at parang wala namang bahid ng kadungisan, ‘di tulad ng mga nakikita nating action star.

May isa pa silang inaangal, sino naman kaya ang leading lady ngayon ni Alden sa bago niyang seryeng Victor Magtanggol at sobrang pa-mysterious naman daw? Sana’y si Maine na lang daw.    

MIKE RELON MAKILING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with