^

Pang Movies

Balakubak ni Sue lumutang sa maiksing buhok!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Balakubak ni Sue lumutang sa maiksing buhok!
Sue Ramirez

Gandang-ganda si Sue Ramirez sa bagong gupit niyang buhok na parang lalaki siyang tingnan. Sa pics na inilalabas niya sa kanyang Twitter account, may pumuna na isang netizen sa buhok niya.

Tweet ng netizen, ang dumi ng buhok ni Sue dahil kita ‘yung dandruff sa litrato.

Sinalag naman agad ni Sue ang puna ng netizen at sinabing glitters ang nakalagay sa kanyang buhok, huh!

Siyempre, kapag hindi maayos ang kuha sa buhok, lalabas na ba­lakubak ang nakapatong dito, huh! Agad naman bumawi ang netizen sa tweet niyang todo ang puri kay Sue, huh!

Ilang mga artista naging aligaga sa Independence Day

All over the Philippines ang i­lang Kapuso artists upang makibahagi sa selebrasyon ng 120th year ng Philippine Indepedence kahapon.

Nasa Davao City ang last Starstruck Male Ultimate Survivor Migo Adecer para dumalo sa flag raising ceremony sa City Hall. Kasama niya ang South Mindanao Clashers na finalists sa coming Kapuso singing search contest na The Clash.

Lumipad naman patungong Cebu City si Alden Richards upang makibahagi sa selebrasyon. Present siya sa flag raising ceremony ng City Government of Lapu Lapu City na ginanap sa Liberty Shrine. Kasama naman ng Pambansang Bae ang Central Visayas Clashers.

Nasa Dagupan City flag raising cere­mony naman sina Andre Paras at Joyce Pring na ginawa sa CSI Stadia. Kasama rin nila ang Central Luzon Clashers.

Ang mga bida ng Inday Will Always Love You na sina Barbie Forteza at Derrick Mo­nasterio ay nasa Nothern Mindanao para sa flag raising ceremony ng City Government of Iligan sa Rizal Park kasama ang North Min­danao Clashers.

Si Benjamin Alves at nagpunta sa Municipality of Pili sa Camarines Sur habang si Maricris Garcia ay lumarga sa Bago City, Negros Occidental.

Ang mag-inang Mayor Lani Mercado at Cavite Vice Governor Jolo Revilla ay dumalo sa ceremonies sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite. Pinaalala ni Jolo na isapuso at patuloy na ipaglaban ang ating kalayaan.

Ang ilan sa cast naman ng historical movie na Goyo, Ang Batang Heneral ay pumarada sa Luneta Park na pinangunahan ng bidang si Paulo Avelino kasama ang ilan sa cast gaya nina Mon Confiado at Art Acuña.

Kayo, do you still care about our Independence Day?

SUE RAMIREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with