Anne at Ogie nag-uunahan sa pagbebenta ng concert

Ogie Alcasid

MANILA, Philippines — Naalala namin ang sinabi ni Regine Velasquez nang ma-interview namin para sa 3 Stars, 1 Heart Dubai concert nila nina Julie Anne San Jose at Christian Bautista na kung maraming concerts dito ang foreign singers, hindi nagpapahuli ang local artists dahil sunud-sunod din ang schedule ng concerts ng Pinoy singers.

May June 22 concert si KZ Tandingan, may concert si Ogie Alcasid, his 30th anniversary concert pero hindi pa sinasabi kung kailan at kung saan ang concert ni Ogie, pero nagsisimula na itong i-promote nina Ogie at Regine sa socmed.

May August 18 concert ni Anne Curtis sa Smart Araneta Coliseum billed Anne Kulit Promise Last Na ‘To.  Wala pa ring details na ni-release, kung sino ang director at kung sino ang guests ni Anne.

Parehong sa June 15 ang release ng tiket sa concert nina Ogie at Anne, harinawang hindi magkalituhan ang mga bibili ng tiket at ang teller sa pagbibigay ng tiket sa fans. In both concert, nire-request ng fans na mag-guest si Regine, tingnan natin kung matutupad ang request ng fans.

Samantala, sa June 14, ang alis nina Regine pa-Dubai dahil June 16, ang concert nila sa Dubai World Trade Center. Ganu’n pala ‘yun, big group ang makakasama nina Regine dahil 30 katao ang entourage kasama sina director Paolo Valenciano at musical director Raul Mitra.

Kiko hindi maka-promote sa Kapamilya

Cover ng Inside Showbiz Weekly ang Walwal cast na sina Elmo Magalona, Jerome Ponce at Donny Pangilinan. Marami ang naghahanap na fans kay Kiko Estrada, bakit daw hindi ito kasama sa cover gayung isa rin siya sa mga bida ng Regal Entertainment movie?

Madaling sagutin ang tanong ng fan, ABS-CBN talents ang tatlo at si Kiko ay Kapuso talent. In fact, sila lang ni Devon Seron ang Kapuso talents na nasa cast ng pelikula na sabi ni direk Joey Reyes, 2018 updated version niya ng Pare Ko.

Anyway, tama ang mga nagko-comment na dapat alagaan at i-build up ng GMA-7 si Kiko dahil malaki ang chance nitong sumikat. Maganda ang exposure nito sa morning series na My Guitar Princess at susundan nga ng Walwal at may sexy movie pa siyang ginagawa kasama sina Sunshine Cruz at Martin del Rosario.

May kapuri-puring ginagawa si Kiko na hindi alam ng kanyang fans. Kahit hindi kailangan, tuwing may bagong poject siya, laging may share sa talent fee niya ang mom niya. Pasasalamat daw niya ‘yun sa pagmamahal at pag-aalaga sa kanya.

Glaiza at Kyline naudlot sa movie

Dapat pala may gagawing pelikula sina Glaiza de Castro at Kyline Alcantara na ang location ay sa Samar. Pero dahil sa schedule ng dalawa, hindi nila natanggap ang movie offer.

Hindi na mahintay ng mga producer at ng director na tapusin muna ni Glaiza ang Contessa at si Kyline sa Kambal Karibal dahil may hinahabol daw na playdate.

Sana, ‘yung pinaplanong concert ng dalawa next year, matuloy dahil by that time, tapos na ang kani-kanyang teleserye. Unless, bigyan agad sila ng bagong teleserye.                                                                                                         

Show comments