Manay Ichu binigyan ng parangal ng FDCP
Nakaka-touch naman ang pagbibigay parangal ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) kung saan ang kasalukuyang namamahala ay si Liza Diño-Seguerra, kay Marichu Vera-Perez Maceda o Manay Ichu sa mga taga-showbiz.
Kinilala si Manay Ichu dahil sa kanyang kontribusyon sa industriya bilang isang filmmaker at leader industry.
Ginanap ang nasabing event sa Cinematheque Center Manila kung saan dinaluhan ng ilang talents ng Sampaguita Pictures at Vera-Perez Productions na pagmamay-ari ng kanilang pamilya.
Ang dalawang studios ay nag-umpisang mag-produce ng mga pelikula taong late 50’s hanggang 80’s.
Ayon kay Manay Ichu na nasa edad na 70 na, sa kanilang produksiyon daw nakilala at sumikat sina Rogelio dela Rosa at Carmen Rosales, pati na sina Alicia Vergel, Cesar Ramirez at Ramon Revilla, Sr., na noon daw ay kilalang dramatic actor at ang gamit na screen name ay Gerardo Acuña.
Sa bakuran din ng Sampaguita Pictures at VP Pictures nagsimula sina Vilma Santos-Recto, ngayon ay Lipa City Congresswoman na, at Nora Aunor bilang mga teenage stars.
Noong bagong “pasok” pa lang daw sa kanilang produksiyon si Susan Roces, hindi mo sakaling magiging Queen of Philippine Movies ito. Ganundin si Gloria Romero, na maka-ilang ulit daw na nag-audition, bago binigyan ng break ni Dr. Jose Perez, ang ama ni Manay Ichu na head pa noon ng dalawang malaking studio.
Mother Lily madalas bumisita sa studio ng Sampaguita
Wala pa ring kupas ang kagandahan ni Gloria Romero kahit nasa edad 80’s na, dumalo rin siya sa awards ceremony ng FDCP. Ganundin si Gina Alajar, na nagsabing ‘di raw siya sa VP productions nag-umpisa bilang isang child star, kundi sa Lea Productions daw.
Ganun pa man, ang VP Pictures naman daw ang humubog sa kanya kaya siya naging magaling na aktres ngayon at direktor.
Parehong nasa Kapuso Network ngayon sina Gina at Gloria.
Present din sa event na iyon si Mother Lily na umaming madalas daw na bisita ng Sampaguita Pictures, pero madalas din daw na ayaw siyang papasukin ng guard.
Isa rin si Mother Lily na nangarap at nagtagumpay sa pagiging film producer.
Favorite stars daw niya sina Nida Blanca, Nestor de Villa, Susan Roces at Eddie Gutierrez.
Nariyan din sina Minda Morena at Pempe Rodrigo na pinsan ni Manay Ichu at naging katuwang ni Dr. Perez sa trabaho.
Ang kapatid ni Pempe na isang abogado at kilala sa dating tawag na King ay kasal sa aktres na si Boots Anson-Roa.
Dumating din ang dating Miss Caltex (circa 65) na si Elsa Payumo. Ganundin si Nova Villa, na dapat daw sana naging member siya ng Star ’66, pero nag-back out daw dahil tinuloy niya ang kanyang pag-aaral.
Kalaunan naman ay naging talent siya ng FPJ Productions at nagkaroon ng pagkakataong makabilang sa mga leading ladies ni late Fernando Poe, Jr. sa tatlong pelikula. Sa Daniel Varrion, Pilipinas Kong Mahal at Baril Na Ginto.
Aktibo pa rin hanggang ngayon bilang aktres si Nova, na puwedeng mag-appear sa parehong network na GMA-7 at ABS-CBN.
Mga anak ni Manay Ichu, kumpleto sa awards ceremony ng FDCP
Sa side ni Manay Ichu, present ang kanyang dalawang anak na sina Erwin at Ernest. Kasama ni Erwin ang asawa nito at isang anak na babae, si Ernest naman ay kasama ang anak na si Max.
Mayroong limang anak si Manay Ichu at puro ito lalaki, anak niya ito sa kanyang late husband na si Ernesto Maceda.
Bukod kina Erwin at Ernest, ito ay sina Emmanuel, Edmund at Edward na representative ng 4th district sa Manila.
Nandoon din ang kanyang kapatid na si Lilibeth Nakpil na nagsalita sa event.
Ang ibig sabihin ng ‘Manay’ ay ate sa salitang Bicol.
Congrats, Manay Ichu. And long live the Philippine Cinema.
- Latest