Hindi natin masisisi si Congresswoman Vilma Santos kung sinasabi ngang mukhang masyado siyang mapili sa mga project na kanyang ginagawa. Hindi lang iyong kagandahan ng project ang kanyang basehan kundi kung magagawa rin ba niya nang maganda iyon. Kaya nga ayaw niyang tumanggap ng pelikula unless sigurado siya na may panahon siyang magawa iyon nang mahusay.
Ang pagiging artista, bagama’t masasabi ngang iyan ang una niyang profession, hindi na ganyan ngayon ang sitwasyon dahil sa mga bagay na kailangan niyang asikasuhin. Kung gagawa man siya ng pelikula, iyon ay dahil mahal niya ang propesyon bilang artista. Hindi na hanapbuhay lamang, gusto naman niyang matapos ang mahigit na 50 taon bilang isang aktres ang maiwan niya ay isang magandang legacy.
Hindi gagaya si Ate Vi doon na nagpabayang malaos sa pelikula. Hindi siya papayag na umabot sa punto na ang mga pelikula niya ay tinatanggihan na sa mga sinehan at hindi na maipalabas. Hindi rin mangyayari kay Ate Vi iyong tinatanggi-tanggihan na lang siya ng mga leading men niya dahil takot ang mga iyon na mahila sila pababa.
Si Vilma, bukod sa hindi naman naghahabol ng kikitain niya sa mga pelikula, ay lalong hindi na naghahabol sa anumang awards sa ngayon. Sabi nga niya nakuha na niya lahat, pati na iyong pinakabago at pinagtitiwalaang Eddys.
Wala na siyang hahabulin pa eh, pero may isang bagay na kailangan niyang matiyak, iyong habang panahon namang maaalala ng mga tao ang kanyang mga ginawa.
Ganoon dapat ang attitude ng mga artista. Magandang halimbawa ang ginagawa ng mga Hollywood stars. Marami ang hindi na nakapanood ng pelikula ni Elizabeth Taylor, pero hanggang ngayon kilala pa rin siya ng fans. Dito sa atin halimbawa, ilan ang nakapanood pa ng pelikula ni Carmen Rosales, o ng mga drama ni Lolita Rodriguez, pero basta nabanggit ang pangalan nila ang nasa isip ng mga tao ay mahuhusay silang artista.
Ganoon din naman si Ate Vi. Hindi naman siya kagaya ng iba na umabot sa pagka-laos.
Mocha nakakuha ng simpatya sa hindi na pagpalag kay Kris
Mabuti na lang, hindi pumatol si Mocha Uson sa mga mala-kalyeherang hamon sa kanya. Nanatili siyang kampante, at hindi naapektuhan ng mga tsismis noong una na ipasisibak na siya sa Presidente sa kanyang posisyon dahil sa mga nasuotan niyang controversy. Hindi naman nagtagumpay ang mga gustong patalsikin siya, dahil maliwanag na may tiwala pa rin sa kanya ang presidente.
May pinag-aralan naman kasi si Mocha. College degree holder iyan at sana nga mag-aaral pa ng pagiging doctor sa UST, kaya lang nag-drop out dahil naging singer at model na nga. Ang tatay ni Mocha ay isang trial court judge, at ang nanay naman niya ay isang doctor. Nakakahiya naman na kung sa kabila ng kanyang magandang family background papatol siya sa mga mala-kalyeherang away.
‘Friend’ ng depressed na Matinee Idol, nagpatikim para mabawasan ang sama ng loob
Masyado raw depressed ang isang matinee idol dahil bagsak na nga ang kanyang career. Mangiyak-ngiyak nga raw iyon habang kausap ang isa niyang “friend” tungkol sa lagay ng career niya. Ok naman ang usapan nila dahil maaaring maging panibagong chapter iyan sa volume two ng isang libro. Siyempre para mabawasan ang sama ng loob ng matinee idol, naganap na naman ang isang bagay na hindi na dapat maulit. Mukhang malalagay na naman nga sa libro iyan.