Iba pag sikat ang BF Jessy nagkaroon ng endorsement dahil kay Luis

Jessy at Luis

Wow, hayan at naka-dalawang endorsement na si Jessy Mendiola, kasama ang kanyang dyowa na si Luis Manzano.

See? Nakakatulong talaga kapag sikat ang boyfriend.

Although, on her own ngayon, doing well na rin si Jessy, since maganda ang kanyang exposure sa top action series na FPJ’s Ang Probinsyano, na pinagbibidahan ni Coco Martin.

At huwag isnabin, malaki rin ang iginanda niya ngayon.

In any case, since nasa Ang Probinsyano rin ang kanyang future father in-law na si Edu Manzano, may posibilidad kayang magkaroon sila ng eksenang dalawa?

Well, pag nagkataon, kaabang-abang ito.

Mother Lily walang hinanakit sa mga walang utang na loob

Aligaga na si Mother Lily sa paghahanda ng kanyang 79th birthday, which is a good three months away pa, kung tutuusin.

August 19 pa kasi ang kayang kaarawan. Yes, ka-birthday niya si late President Manuel Quezon.

“I want the occasion to be big and memorable kasi,” Mother Lily explains. “I’m inviting everyone, lalo’t ‘yong who had a hand in what I have become as a movie producer and businesswoman.

“I was just an average student, noong nag-aaral pa ako. But I was already a movie fan.

“At inambisyon kong maging isang producer. Na nangangahulugan lang, na if you dream of something, go for it.”

Nagsimula si Mother Lily sa pagpo-produce ng mga pelikula noong 1962, halos lahat ng mga artistang sumikat at di na sikat ngayon, pati na mga direktor, na ang iba ay namayapa na, ay nakapagtrabaho sa kanyang film firm na kilala dati bilang Regal Films at ngayon ay Regal Entertaiment na.

“Wala akong hinanakit,” ani Mother Lily, “kahit ang ilan sa kanila does not acknowledge, kumbaga, na natulungan ko sila. Naniniwala kasi akong it takes two to tango.

“Kaya, kung may naitulong ako sa kanila, in return may naitulong din sila sa akin,” pahayag pa ni Mother Lily.

Plano niya na ipagpatuloy pa ang pagpo-produce ng mga pelikula, pero this time, sa tulong naman ng kanyang pangalawang anak na babae, si Roselle Monteverde-Teo.

Co-producer si Roselle with Star Cinema ng upcoming youth movie na Walwal kung saan tampok sina Elmo Magalona, Kiko Estrada, Jerome Ponce at Donny Pangilinan.

Idinirek ito ni Direk Joey Javier-Reyes. Kasama rin nila rito sina Kisses Delavin, Jane de Leon, Devon Seron at Sofia Senoron bilang kanilang leading ladies.

Sandara nagpakilalang ‘krung krung’ sa formal dinner nina P. Moon Jae In at P. Digong

Wow Salve A., hulaan mo kung sino ang dumalo sa pa-dinner (formal dinner ha) ni President Moon Jae In ng South Korea para kay President Duterte nang bumisita ito sa South Korea recently?

Si Sandara Park na isang residente sa nasabing bansa at dating miyembro ng K-pop group na 2NE1.

Nagsilbing emcee si Sandara para sa performance sa formal dinner, hulaan mo naman kung anong pakilala niya nang tanungin siya at magsalita sa stage?

“Ako po ang pambansang “krung krung” ng Pilipinas at isa rin pong aktres doon.”

Promising young actress, apektado ang career sa away sa nanay

Feel ng isang avid spectator ng local showbiz, malaki ang naging epekto sa pagsikat ng isang pro­mi­sing pa namang young actress ang naging away nila ng nanay niya dahil sa ayaw nito sa lalaking pinili niyang ibigin.

Hayan daw tuloy, kahit magaganda ang reviews ng kanyang huling movie, with a bagong leading man, ‘di rin ito gaanong tinangkilik ng manonood.

Paniwala ng said spectator, may kinalaman pa rin sa attitude ng celebrity. Lalo’t sa showbiz, sa kanyang magulang, sa larangang kanyang pinasok.

Show comments