Marlo hindi nauubusan ng pag-asang gagaling ang ina

Marlo Mortel

Patuloy ang panalangin at pag-asa ng 25-year-old Kapamilya singer-actor na si Marlo Mortel (Jhann Marlowe Galman Pamintuan sa tunay na buhay) na madudugtungan pa ng mahaba ang buhay ng kanyang inang si Gng. Merlie Pamintuan na may stage 4 breast cancer which was diagnosed in 2014.

Sumailalim na rin ng iba’t ibang operasyon at treatment ang ina ni Marlo pero hindi nawawalan ng pag-asa ang singer-actor na gagaling ang kanyang mahal na ina.  Ito rin ang dahilan kung bakit nagsisipag siya sa kanyang trabaho para masuportahan ang mga pangangailangang gamot at treatment ng kanyang ina.

In October 2017, isang benefit concert ang pina­ngunahan ni Marlo para makalikom ng pondo para sa treatment at mga gamot ng kanyang mom.

Panalangin ni Marlo na sana’y hindi siya mawalan ng trabaho (sa showbiz) dahil kailangang-kailangan niya ito.

Heart at Sen. Chiz, dalawa na ang anghel sa langit

Kitang-kita sa Kapuso singer-actress na si Heart Evangelista ang excitement nang i-post nito sa kanyang Instagram account na magkakaroon na sila ng baby ng mister niyang si Sen. Chiz Escudero at hindi lamang isa kundi twins.

Ang excitement ng mag-asawang Chiz at Heart maging ng kanilang respective families and friends ay napalitan ng lungkot nang ma-diagnose ng OB-Gyne ni Heart na wala na ang heartbeat ng baby kung kelan ito dumating ng three months. Nauna nang nawala ang isa sa kambal.

Iniisip na lamang ng mag-asawang Sen. Chiz at Heart na meron na silang dalawang angels sa heaven.

Sofia bibida sa Sangyaw Festival

Todo na naman ang paghahanda ng Tacloban City para sa kanilang nalalapit na city fiesta on June 30, 2018.

Isang month-long celebration ang nakalatag ngayon sa siyudad na pinangu­ngunahan ng kanilang alkalde na si Mayor Cristina “Kring-Kring” Gonzalez-Romualdez na ang pinakamalaking event ay ang taunang Sangyaw Parade of Lights na nangyayari tuwing bisperas ng fiesta ng Tacloban, June 29 ng hapon na taun-taon dinarayo hindi lamang ng mga local tourists kundi maging ng mga foreigners.

Ang Viva recording artist na si Sofia Romualdez ay magtatanghal sa Sangyaw Music Festival on June 27 sa Balyuan kasama ang I Love Tacloban Band.

Show comments