^

Pang Movies

Alden gaganap uling Jose Rizal

Nitz Miralles - Pang-masa
Alden gaganap uling Jose Rizal
Alden Richards

MANILA, Philippines — Bago lumabas si Victor Magtanggol, mapapanood muna si Alden Richards na muling gagampanan ang role ni Dr. Jose Rizal sa Independence Day episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko na Pepe and The Werpa Kids. Sa direction ni Rico Gutierrez, makakasama ni Alden sina Dentrix Ponce as the young Pepe, Mona Louise Rey as Kristine, Zymic Jaranilla as Thirdy and Tony Mabesa as Lolo Tonyo.

Sa June 10 na ang airing nito at tiyak, aabangan ng bashers ni Alden kung magti-trend ito, kung ilan ang tweets, ilan ang ads placement at kung mataas ang rating. Ganu’n sila ka concern sa figures and statistics.

 Mocha tiyak daw ang nosebleeding sa debate

Ang daming memes na nagsulputan mula nang sagutin ni Kris Aquino si Asec Mocha Uson at hinamon na humarap sa kanya at kung gusto ng debate, ready siya anytime, anywhere. Sabihin lang daw kay Kris kung kailan at kung saan.

Isa sa lumabas na meme ay ‘yung sinabi ni Kris kay Mocha na “Gusto mo debate?” at ang sumunod ay solo picture ni Mocha na dumudugo ang ilong. Ang ibig sabihin, na-nosebleed si Mocha.

Hindi maaway at masugod sa Instagram (IG) account niya si Mocha ng supporters ni Kris at ng mga Aquino dahil disable ang comment box nito. Kaya sa Facebook na lang siya siya sinugod ng maka-Kris, pero wala siyang comment. Ang nangyayari, ang Team Kris at Team Mocha ang nag-aaway.

Regine, underwear ang pa-Father’s day kay Ogie

Wala sa bansa si Regine Velasquez sa Father’s Day sa June 17 dahil sa June 14, lilipad na sila nina Julie Anne San Jose at Christian Bautista pa-Dubai para sa concert sa June 16 sa Dubai World Trade Center billed 3 Stars, 1 Heart Dubai.  Kaya nagbiro si Regine na ibibili na lang niya ng brief si Ogie Alcasid.

Sabi rin naman ni Regine, babawi na lang siya pagbalik dahil four days lang naman sila sa Dubai. Maganda naman ang gagawin nila sa Dubai, ang aliwin, lalo na ang Kapuso viewers na naho-homesick. Para lubos na maging masaya, iti-tweak nila ang kanilang repertoire, more on OPM na sabi ng musical director na si Raul Mitra, nire-request ng mga Pinoy doon.                                 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with