Frank Magalona P5 pesos ang bayad sa panghihipo ng wetpaks?!

MANILA, Philippines — Inaresto kahapon ng umaga ang part-time actor at rapper na si Frank Magalona, kapatid nina Maxene Magalona at Elmo Magalona ng Taguig police dahil umano sa panghihipo.

Ayon sa reports ni Southern Police District Director, Chief Superintendent Tomas Apolinario Jr., VIP host ng isang bar ang pinag-interesang babae ni Frank. Kumukuha ang nasabing host ng inumin nang kausapin siya ni Frank at pisilin ang kanyang puwet na siyempre, ikinagulat niya.

Agad na nagsumbong ang babae sa kanilang supervisor maging sa bouncer ng bar at saka nadakip ang anak ni Francis M.

Ganun pa man, bumaba na raw ang kaso ni Frank mula sa Act of Lasciviousness ay naging Unjust Vexation na lang ito na may multang limang piso hanggang 200php. Agad ding nakalaya ang actor at nakauwi.

Marami ang nagulat sa balitang ito dahil may girlfriend si Frank at makikitang very happy sila sa post ng isa’t isa sa social media.

 

Show comments