Si Jackie Rice ang kinaiinisan ng madlang people sa noontime series sa GMA7, ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka.
Talaga namang kasumpa-sumpa siya sa ginagampanang papel bilang si Eva na halos ipagngudnguran ang kanyang buli kay Marco na ginagampanan ni Mike Tan.
Silang dalawa ng versatile actress na si Gina Alajar ang partner in crime sa story. Sila ang dahilan kung kaya nawasak ang relasyon ng mag-asawang Marco at Thea (Yasmien Kurdi).
Top rated series ito sa Kapuso network. More or less nasusubaybayan naman natin ito, at take note, umuusok ang bibig ng aming chimaymay sa kamumura kay Jackie at Gina. Galit na galit sila, as usual feel na feel nila ang kaapihang ginagawa nila kay Yasmien. Ewan, napapailing na lang ako, hayaan na lang natin sila. E, tuwang-tuwa sila sa nakaraang episode dahil naunsyami ang pagbubuntis ni Jackie, dinugo, nakunan! Palakpakan sila. Weh! Buti nga. Karma!
Naikwento nga pala namin kay Jackie na nagpapalakpakan ang mga galit sa kanya. Tawa nang tawa si Jackie. Alam daw niya na marami ang galit na viewers sa kanya at mga bashers dahil sa bad role niya sa nasabing serye. Pero ang di alam ng mga haters sa kanya, para siyang nagwo-workshop, nakakatulong kasi sa kanyang acting career.
Masyado raw siyang inspired sa kanyang ginagawa.
Pinagpapasalamat niya na mga batikang artista ang mga kasama niya sa serye like Gina Alajar, Sharmaine Buencamino na kilala na sa pagme-mentor ng mga baguhan, with Mike Tan, Yasmien Kurdi at iba pa. Plus factor din ang mga writer at mga behind the camera. Sa totoo lang, kahit anong gawin ni Jackie na magngingiwi ang mukha, maganda pa rin siya.
Pagsali sa TNT, dumadaan sa butas ng karayon
Wala akong itulak kabigin sa mga finalist at sa mga sumasali sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime. Puro magagaling kumanta, maraming gustong lumahok sa singing show ni Vice Ganda, pero para ka raw dadaan sa butas ng karayom. Sabagay ‘di nga naman ganun kadali na basta-basta ka na lang makakalusot sa magagaling na hurado like kay Rey Valera na talagang authority pagdating sa musika. At kapag naman sinuwerte ka, magiging milyonaryo ka, with 2M cash plus car at house & lot sa Camella Homes.
Sabi ni Tyang Amy Perez, Vhong Navarro, Anne Curtis, Jhong Hilario, “Pag oras mo, at para sayo, makakamit mo.” Ok ‘di ba? Totoo Yun! Pero saludo talaga ako kay Vice Ganda without publicity. Silent lang, at napakasarap daw tumulong, walang hinihintay na kapalit. Kung mayron man prayers lang daw. Yun Lang!
Personal…
My sincere condolences to Manay Ichu Vera-Perez, Lilibeth, Chona & family, sa pagyao ni Pepito Vera-Perez. Eternal rest grant unto him, oh Lord and let the perpetual light shine unto him. May his soul rest in peace. Ganoon din sa mga naulilang kaanak ni Andres Laurdito ng Rosales Pangasinan. May he rest in peace. Amen!