Hindi nakuha ng Sex and the City star na si Cynthia Nixon ang nomination mula sa Democratic party para maging governor ng New York.
Sa nakaraang Democratic convention, nabigo na makuha ni Cynthia ang 25 percent of delegate votes para ma-guarantee ang kanyang spot sa primary ballot.
Si Governor Andrew Cuomo ang nakalaban ni Cynthia for the nomination at nakuha nito ang 95 percent of the vote.
“I’m not a protest candidate. I’m a viable candidate who is really running hard for the Democratic nomination, and that’s why I’m here, to say this is my party, too, I’m not afraid and I’m here. You can’t shut me out,” statement pa ng aktres.
In-announce ni Cynthia ang kanyang candidacy for New York Governor noong March 2018 at nasa pledge niya ang tulungan ayusin ang New York’s government, health care, transportation and prison systems.
Sa isang tweet ni Cynthia, sinabi nito na si Cuomo is ‘not a true progressive’.
“He’s in bed with the GOP. It’s no secret that the Governor has routinely worked to empower Republicans in New York, while actively assailing Democrats. One way he’s done this is by supporting a Republican State Senate.”
Nanalo sa Emmy Awards si Cynthia para sa role niya as Miranda Hobbs sa hit HBO comedy series na Sex and The City.
Ruru may pakiusap sa fans
Dahil nabuwag na ang loveteam nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid, sinusubukan na si Ruru na itambal sa ibang mga Kapuso actresses.
Kabilang na sa tinambal kay Ruru ay ang tinaguriang La Nueva Kontrabida ng teleseryeng Kambal Karibal na si Kyline Alcantara.
Pinagsama ang dalawa para sa isang episode ng programang Wagas.
Aware si Ruru na maraming GabRu fans ang hindi pa rin tanggap na binuwag na ang loveteam nila ni Gabbi. May mga kumukuwestiyon sa ginawang ito ng GMA-7 dahil malakas naman daw ang loveteam ng dalawa.
Pero dahil gusto ngang mag-grow ng dalawa bilang independent artists, kinakailangan nilang makawala sa loveteam at subukan na makatrabaho ang iba’t ibang artista.
Kaya naman may pakiusap si Ruru sa kanyang mga fans na kung sino man ang makasama siya sa mga shows, huwag naman daw nilang i-bash dahil ginagawa lang nila ang trabaho nila.