Legal wife ng mhin na na-link kay Liz, hindi nakaligtas sa mga reporter

Na-meet ko kahapon sa launch ng Lupus, Kayang-Kaya Ko’To si Dra. Geraldine Zamora Racaza, ang legal wife ng mhin na na-link kay Liz Uy.

Disente at very prim and proper si Dra. na  may resemblance rin sa girl na natsismis sa kanyang estranged husband.

I’m sure, nawindang si Dra. dahil kinuyog siya ng entertainment press na sunud-sunod ang mga question sa kanya.

Dahil matalino at educated si Dra., nasagot niya ang lahat ng mga intriguing question ng mga reporter, take note, never na nagbanggit ng name ang controversial doctor na nagsabi na happy and contented siya sa buhay niya ngayon.

Siyempre, hindi pinakawalan ng mga reporter ang chance dahil first time nila na nainterbyu si doktora na may isang anak sa kanyang estranged dyowa.

Cong. Emmeline, napaiyak ng alalahanin ang mga dinanas sa lupus

Si House Representative Emmeline Aglipay ang isa sa mga author ng Lupus, Kayang-Kaya Ko’To.
Ang libro na madaling basahin ang katuparan ng dream ni Em na makapag-publish ng libro tungkol sa kanyang karamdaman na malaking tulong sa ibang mga tao na may Lupus.

Actually, napaiyak si Em habang nagsasalita ito dahil naalaala niya ang mga hirap na dinanas pero nalagpasan dahil sa kanyang strong faith kay God.

Nang sabihin ng isang doktor na never siya na magkakaroon ng anak dahil sa Lupus niya, hindi naniniwala ang misis ng DPWH Secretary Mark Villar.
Napatunayan ni Em na hindi totoo ang sinabi ng doktor dahil nagbuntis at nagkaroon siya ng anak, ang very cute na si Emma na kasama kahapon sa book lunch.

Very smart si Em  na sobrang close sa kanyang mga magulang. Kahit nagsasalita si Em sa podium, umaakyat ang bagets sa stage para yakapin ang madir niya.

Pamilya Villar, dumalo sa book launch ni Em Aglipay

Natuwa talaga ako kahapon sa book launch ni Em dahil nagkita kami ng aking favorite, si former Senate President Manny Villar at ang kanyang mga anak na sina Mark, Paolo at Camille.

Sayang dahil wala si Senator Cynthia Villar para kumpleto na talaga ang presence ng favorite family ko.

Dumating din sa book launch ang mga magulang ni Em, si former General Edgardo Aglipay.

Lander, natuwa sa magandang reviews ng Cry for Fear

Pumunta uli ako kahapon sa burol ni Manoy Pepito Vera-Perez sa Arlington Memorial Chapels pagkatapos ng Lupus book launch.Naabutan ko sa burol sina Lilibeth Nakpil at ang anak ni Manoy Pito na si Lander Vera Perez.

Natuwa si Lander nang  malaman nito na bongga ang reviews sa Cry for Fear, ang coming soon movie ng Viva Films  na pinagbibidahan niya. Si Richard Somes ang direktor ng Cry For Fear at bilib na bilib si Lander sa husay niya.

Show comments