Maine naki-bonding sa anak ni Pokwang

Maine at Malia

Ay friends pala sina Maine Mendoza and Pokwang. Dinalaw ng Dubmash Queen ang super cute na anak ni Pokwang sa kanilang bahay kahapon. “Maraming salamat, Ate @mainedcm sa visit! Hope to see you again soon!” naka-post sa Instagram account ng baby ni Pokwang sa American actor na si Lee O’Brian.

Base sa video clip na uploaded pa sa nasabing IG account, kumain pa si Maine sa bahay nila Pokwang na cute na cute sa tisay na baby ng komedyante.

Walang sumagot kung paano naging magkaibigan ang Kapamilya na si Pokwang and Kapusong si Maine.

Wala rin ini-upload sina Pokwang and Maine na  photos nang pagbisita ni Maine kay Baby Malia ni Pokwang na madalas may bisitang mga sikat.

Super proud mommy naman si Pokwang sa dalawang anak, ang panganay na Culinary graduate na si Mae na madalas karga-karga si baby Malia. “Hindi ko alam pero....siguro may nagawa akong mabuti kahit papano dito sa earth kaya ako nabiyayaan ng mga anak na ganito ka lambing at kay gaganda.... thank you Lord.....” sabi ni Pokwang sa video ng dalawang anak.

Anak ni Jolens mukhang tisay, baby ni Heart maumbok na

Kita na ang baby bump ni Heart Evangelista.

Sa kanyang IG post kahapon, kahit black comfy dress ang suot niya, nakaumbok na ang panganay nila ni Sen. Chiz Escudero. “Just the beginning...#MommyhoodDiaries,” sabi ng magiging first time mommy.

Speaking of Baby, pinakita na rin ni Jolina Magdangal sa social me­dia ang bagong baby nila ni Mark Escueta. “Meet our Vika Anaya. Mukha syang naka maputing foundation pero totoong maputi sya! At parang nakalipstick. at mas may buhok sya kesa kay Pele nung bagong panganak. Excited ako ng ayusan sya. #Tele­Vika,” sabi ni Jolens na last Monday lang na-caesarean. Four-year old boy ang first baby nila ni Mark na si Pele.

Show comments