Aga at Charlene, hindi magdyowa nang magpakasal

Aga Muhlach at Charlene Gonzales

Throwback...

Seventeen years ago exactly today (May 28) nang ikinasal sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales sa isang solemn na seremonya na ginanap sa Saint Joseph Cathedral sa Baguio City.

Isa iyong kasal na hindi inaasahang magaganap kahit ng mga relative at malalapit na kaibigan ng dalawa. “Papaano nga,” balik-gunita ng dalawa, “We were never boyfriend and girlfriend.”

The proposal na magpakasal sila ay nangyari noong nasa Singapore sila para i-shoot ang isang episode noon para sa sitcom nilang Oki Doki Doc na ginagawa nila kasama sina Agot Isidro, Claudine Barretto at ang mga teenage stars pa lamang noon na sina Paulo Contis at Camille Prats. It was directed by Johny Manahan.

Nasa party sila nang mga oras na ‘yun kasama ang mga karamihan sa kaibigan ni Aga nang bigla niyang tanungin si Charlene tungkol sa nasabing proposal, bagamat nabigla, mabilis namang sumagot ito ng “Why not.”

At ngayon nga, wala nang makakatibag pa sa kanilang pagsasama. Isa sila sa may mga solid na relasyon sa industriya ng showbiz. Lalo na nga at biniyayaan sila ng twins, sina Atasha at Andres, who are both turning 17 in November.

Isinantabi muna ang wedding anniv… Cheng at Pepito, ipinagluluksa pa rin

Wala nang nag-usisa pa kina Aga Muhlach at Charlene Gonzales kung papaano ba nila ise-celebrate ang kanilang anniversary, dahil na rin sa pagpanaw ng ama ni Aga na si TV producer Cheng Muhlach at ng Stepdad naman ni Charlene na si Pepito Vera-Perez na nagmamay-ari ng dalawang malalaking film studios na Sampaguita Pictures at Vera-Perez Productions. Kasalukuyang nakalagak ang mga labi nito sa Faith Chapel of the Arlington Memorial Chapel sa Araneta Avenue, Quezon City.

Four years old lang noon si Charlene nang maging magkasintahan ang kanyang inang si Elvie Gonzales at Pepito.

Ang tatay naman ni Charlene ay si late former LVN actor, Bernard Bonnin. may kapatid siyang lalaki sa ama, si Richard Bonnin na kasalukuyan nang nasa U.S. kasama ang sariling pamilya.

Hajji hindi laglag ang isang anak sa concert

45 years naman exactly this year nang maging professional singer si Hajji Alejandro at nang makuha niya ang titulo bilang ‘Kilabot ng Mga Kolehiyala’,  18 anyos pa lamang siya noon.

Ang naging signature song niya ay ang Panakip Bukas. Although naging paboritong awitin din ng mga kolehiyala in his time ang iba pa niyang songs, tulad ng Nakapagtataka, Ang Lahat Ng ito’y Para Sa ‘Yo at May Minamahal.

Lalong hinangaan si Hajji at umani pa ng maraming papuri nang kantahin niya ang kantang isinulat at ginawa ni Music icon Ryan Cayabyab, ang Kay Ganda Ng Musika.

Nanalo ng grand prize ang nasabing kanta sa first Metro Manila Pop Music Festival noong 1978. Likewise, nanalo rin ang awitin ng grand prize in the First International Seoul Song Festival sa Korea.

Hindi alam ng karamihan na anak niya ang isa ring magaling na singer na si Rachel Alejandro.

Magkakaroon si Hajji ng concert on June 23 sa Solaire Resorts and Casino bilang pagse-celebrate ng kanyang 45 years sa industriya ,Titled Powerhouse IV: Hajii, Ako at Ang Aking Musika 45 Taon.

Guest performers niya rito sina Celeste Legaspi, Rey Valera, Marco Sison and, of course, daughter, Rachel (Alejandro).

Tanong lang, ba’t kaya di kasama sa listahan ng kanyang mga special guests sa concert ang anak niyang si Ali, a musician, too, and married to vocalist Lougee Basabas?

Anak ni Hajji si Ali sa kanyang late beauty queen wife na si Rio Diaz na nakababatang kapatid naman ni former Miss Universe Gloria Diaz.

Barbie at Paul mahihirapan nang magkita

Mahihirapang magkatrabaho sa isang project ang young sweethearts na sina Barbie Imperial at Paul Salas, since pumirma na ang huli bilang talent ng GMA Artist Center.

Si Barbie ay nasa Kapamilya at kasalukuyang gumaganap bilang leading lady ni JM de Guzman sa pinaguusapang teleserye sa hapon, ang Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi, si Paul naman ay dati ring Kapamilya, huli siyang napanood sa ABS CBN top series, The Good Son na pinagbibidahan ni Sylvia Sanchez.

Show comments