^

Pang Movies

Rosemarie waging Best Actress sa Cine Filipino

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Rosemarie waging Best Actress sa Cine Filipino
Rosemarie Gil at Jaime Fabregas

Masaya raw Salve A., si Cherie Gil para sa kanyang ina na si Rosemarie Gil dahil sa pagkakapanalo nito bilang Best Actress sa pelikulang Delia & Sammy sa katatapos lang na Cine Filipino Filmfest Awards ce­remony.

Sina Delia at Sammy ay ginanapan nina Rosemarie Gil at Jaime Fabregas, na madalas din nating manapood gabi-gabi sa top rated series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ang nasabing pelikula ang nagsilbing comeback movie ni Rosemarie dahil matagal-tagal na siyang ‘di umaarte sa kadahilanang ilang taon din silang nanirahan sa ibang bansa.

Kasama ang asawang si Eddie Mesa na dati’y isa ring aktor at singer, nanirahan sila sa U.S. kung saan nagsisilbing religious pastor ito roon.

Nakabalik na raw ng U.S. ang ina ayon kay Cherie, nang minsang makakuwentuhan namin siya pagkatapos ng premiere ng pelikulang Kasal kung saan isa siya sa cast dito. Kasama rin sina Bea Alonzo, Paulo Avelino, Derek Ramsay plus Christopher de Leon at Ricky Davao.

Ang pelikulang Kasal ay handog ng Star Cinema para sa kanilang 25th anniversary na idinirek ni Ruel Bayani at Olivia Lamasan bilang managing director.

Of Cherie, katulad ng kanyang kuya na si Michael de Mesa, sa Pilipinas na rin siya nanirahan.

Michael gustong makagawa ng pelikula sa Star Cinema

Speaking of Michael, busy rin siya ngayon sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano kasama si Jaime Fabregas. Tampok din siya sa serye nina Arci Muñoz, Piolo Pascual, Empoy Marquez, Alessandra de Rossi at JC de Vera, titled Since I Found You by Antoinette Jadaone.

Napasama rin siya sa katatapos lang kamakailan na serye nina Kim Chiu at Gerald Anderson na Ikaw Lang Ang Iibigin.  

Wish daw ni Michael na makagawa sana ng movie sa Star Cinema.

Pelikulang tungkol sa Marawi, ipapalabas sa ANC

Hindi ko palalampasin itong bagong palabas na ito Salve A., ang ANC (ABS-CBN News Channel) presents: New Moon at mayroon na rin nito sa ANC HD. Magsisimula ito ngayong Lunes, May 21.

Tungkol ito sa mga pelikula ng apat na young filmmakers na naging saksi sa nangyaring giyera sa Marawi City at kung ano ang idinulot nito sa bayan ng Marawi, plus the stories of heroism, struggles at kung paano nila pagagalingin ang kanilang mga sarili.

Dalawa sa mga filmmakers na ito ay estudyante ng Mindanao State University-Marawi (MSU-Marawi), sina Sitti Alyssah Diron at Geral Jan Nino Omelia at ang dalaw pa ay sina Omar Ali at Ali Yuseph na isang ARMM (Autonomous Region of Muslim Mindanao) assistant cabinet secretary at isang MSU-Marawi professor.

Ang pelikula ni Sitti na Matou ay base sa totoong istorya ni Mastora (Matou) Dafayan na isang magsasaka at mangingisda na nakatira sa isang barangay sa Marawi. Sa kasagsagan ng gulo, ang kanyang asawa at bagong silang na anak ay parehong binawian ng buhay, naiwan siya at ang kanyang anak na panganay.             

Kanlungan naman ang pelikula ni Geral kung saan katulong niya ritong gumawa ang kanyang mga kapwa studyante sa Developmental Communication.

Tungkol ang pelikula sa isang babae at ang kanyang mga nakababatang kapatid, naalala niya ang masaya at simpleng buhay bago sumiklab ang gulo. Ngayon daw ay wala na silang tirahan kaya kung kani-kanino na lang sila nakikitira.

Ang pelikula naman ni Omar, titled Suicide Squad ay tungkol sa grupo ng mga trained rescuers for disasters na nailigtas hindi lamang ang mga biktimang Muslim kundi pati na rin ang mga mismong terorista na sumira ng kanilang lugar.

Islam naman ang title ng pelikula ni Ali at ang nagprodyus nito ay ang kanyang asawa na si Sur.

Ang apat na pelikulang ito ay pagsasama-samahin para ipalabas sa iisang episode. Ang broadcast legend na si Tina-Monson Palma ang magsisilbing anchor nito.

Malaki ang paniniwala ng ABS-CBN at ANC na sa pamamagitan ng apat na pelikulang ito ay maliwanagan ang mga tao, kahit hindi muslim, kung ano ang pinagdaanan at isinasapuso ng mga kababayan natin sa Marawi City.

Sunshine, tikom ang bibig kay Cesar

Walang kahit anong maririnig na salita kay Sunshine Cruz, negatibo man o positive sa kanyang ex-husband na si Cesar Montano tungkol sa kasalukuyang kontrobersiyang kinasasangkutan nito bilang isa sa mga department heads ng Department of Tourism.

Obviously, naniniwala si Sunshine sa kasabihang ‘silence is golden’.

JAIME FABREGAS

ROSEMARIE GIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with