Kung si Karla Estrada ang tatanungin, hangga’t maari ay gusto niya sanang edad 35 mag-asawa ang anak niyang si Daniel Padilla na 23 years old pa lang ngayon
Kaya diretsahan niyang pahayag, kapag nagsabi raw ang anak ngayon na gusto na nitong mag-asawa ay baka i-oppose niya.
“Kasi hindi natin alam kung paano sila ngayon, depende kung maayos talaga kasi ngayon, nakikita ko naman na very responsible (si Daniel). Depende,” sabi ni Karla nang makausap namin kahapon sa shooting ng comedy film niyang Familia Blandina sa Plaridel, Bulacan.
Siyempre, pinagdaanan na rin naman daw niya ‘yan because she was very young then when she had Daniel.
“Apat na relasyon, taon ‘yun sa apat na ama, meron pa rin talagang immaturity. Meron talaga dapat na certain age na alam n’yo lahat ‘yan, alam natin lahat ‘yan kung saan nagma-mature. Para hindi masayang ang pagsasamahan. May certain age na magma-mature ka, eh. Na pag sinabi mong ‘gusto ko nang mag-asawa, mag-settle down,’ dapat sure ka talaga,” sey pa ni Karla.
Pero parang hindi rin naman daw napag-uusapan ng dalawa ang kasal bilang mga bata pa naman ang mga ito.
“Hindi nag-uusap sa ganu’n, nage-enjoy pa. If ever na mag-usap sila ng tungkol diyan, eh di ba’t dapat pinaplano at pinag-uusapan?” saad pa ni Karla?
Si Katrhyn ang first girlfriend ni Daniel kaya kung sila raw ang magkakatuluyan, sey ni Karla, “ang saya.”
Sa Familia Blandina ay ginagampanan ni Karla ang isang ina na may tatlong anak na puro blonde. ”
Mayor Erap, naghahanap ng mabibigyan ng isang milyon
Nagsimula na ang search for Miss Manila, a beauty-and-brains search project ni Manila Mayor Joseph Estrada tau n-taon bilang selebrasyon sa Araw ng Maynila.
Ang application form is available sa Tourism Office, Manila City Hall or at www.missmanila.com. Deadline of submission is on May 29.
Ang kokoranahang Miss Manila 2018 on June 26 at the Philippine International Convention Center (PICC) ay tatanggap ng one million worth of prizes consisting of a management contract and Php500,000.00 in cash.
Ang first runner-up naman ay tatanggap ng Php350,000.00 cash, Php250,000.00 for the 2nd, Php150,000.00 for the 3rd and Php100,00 for the 4th.
Ang proceed ng pageant ay mapupunta sa mga proyekto ng MARE Foundation, Inc, a non-profit institution headed by its Chairwoman, and the pageant director, Ms. Jackie Ejercito.
Jennylyn, nasubukan nang mag-ober da bakod
Ang tagal na ring loyal Kapuso artist ng Ultimate Star na si Jennylyn Mercado and ito lang talaga ang home network niya simula nang manalo siya sa Starstruck Season 1 noong 2003.
What makes her a loyal Kapuso?
“Hindi talaga, ang masasabi ko lang, masaya ako rito. ‘Yung mga taong nagtatrabaho sa loob ng GMA-7, iba silang magmahal, eh. Iba silang mag-alaga.
“So, bakit ako maghahanap ng ibang mag-aalaga “ sey ni Jen nang makausap naming sa taping ng serye niyang The Cure last Friday.
Ayon pa sa aktres, nasubukan na rin naman daw niyang magtrabaho sa iba pero iba raw talaga pag GMA.
Bago naging GMA-7 artist si Jen ay nasubukan na rin naman daw niyang mag-work sa ibang network.