Hoy Salve A., i-congratulate natin si Direk Toto Natividad, ang direktor ng top series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin, dahil nanalo siya bilang Chairman ng kanilang barangay sa Navotas.
Alam din naman nating nanalo rin si Angelika dela Cruz sa pangatlong pagkakataon bilang chairwoman naman ng kanilang barangay sa Malabon. And hulaan mo kung sino naman ang Chairwoman sa kanilang barangay sa Paco? Si Tang Adriano, na kilalang talent coordinator ng isang popular na programa sa ABS-CBN.
Ang ganda ng kwento nitong si Tang, kung paano niya na-tackle ang kanyang journey to success. Dati-rati ay paala-alalay lang siya sa namayapang TV host na si Inday Badiday. Good friend sila ni Angge (Cornelia Cruz) na namayapa na rin at nagsilbing talent coordinator ng programang Isang Tanong, Isang Sagot, hosted by Inday.
May anak na si Tang at ga-graduate na ng college sa De La Salle University.
Congrats, Tang. Keep up the good work.
Of Angelika dela Cruz, mayroon siyang dalawang anak na lalaki sa kanyang non-showbiz husband na si Orion Casareo.
By the way, ano na kaya ang ginagawa ngayon ng dating nag-aartista ring kapatid ni Angelika na si Mika dela Cruz? Dating contract talent ng Star Magic ito at lumipat siya last year sa GMA 7.
Cherry Pie hindi alam ang plano ng anak
Proud mom si Cherry Pie Picache sa kanyang teenage son na si Nio (short for Antonio) dahil bukod sa ito ay nag-graduate this year, nakatanggap din ito ng parangal. Isang silver medal para sa academics at ang isa naman ay para sa sports, ang Gawad San Juan de Brebeauff para sa katangi-tanging manlalaro.
Nag-aral sa Ateneo Junior High school since prep. si Nio, ‘di pa rin daw alam ni Cherry Pie ang kukunin ng anak para sa college pero mukhang sa Ateneo pa rin ito mag-aaral.
Si Nio ay anak ni Cherry Pie sa kanyang former partner na si Gary Tria na kilala bilang cinematographer.
Isa si Cherry Pie sa pinaka-magagaling nating aktres at gumaganap siya ngayon bilang nanay ng triplets na ginagampanan lahat ni Erich Gonzales sa popular primetime series ng ABS-CBN, ang The Blood Sisters. Kasama rin dito sina Dina Bonnevie, Jestoni Alarcon, Ejay Falcon, AJ Muhlach, Patrick Garcia at Enchong Dee.
Lotlot at Monching nakapagpatapos na rin
Proud parents din sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher sa youngest daughter nilang si Maxine na nagtapos ng high school sa Poveda (Saint Pedro Poveda College).
May apat na anak sina Lotlot at Monching at ang panganay ay si Janine Gutierrez na sikat na ring artista ngayon.
Bago raw pinayagan, lalo na ni Lotlot, si Janine na mag-showbiz, siniguro niyang tatapusin muna nito ang kanyang pag-aaral. Graduate ito ng International Studies bago siya pumirma ng kontrata bilang Kapuso talent.
Naghiwalay sina Lotlot at Monching noong 2004 at secret kung sino man ang kasalukuyang mahal ni Monching ngayon.
Si Lotlot naman ay isang Lebanese ang boyfriend na fondly ay tinatawag niyang Fadi.