MANILA, Philippines – Mistula raw isang penetensiya ang sakripisyong inabot ni PJ Abellana sa mga eksena niya sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa kagagawan nina Edu Manzano, Mark Anthony Fernandez at Jhong Hilario.
May mga nagkomento na mabuti raw at hindi retokado ang face ni PJ, dahil kung hindi, baka mawala na ito sa porma.
Maraming miyembro ng isang religion ang hindi sang-ayon sa parusang ipinakikita sa kanilang ministro. Sabi nga ng isang kausap namin, maluwag na pala sa television ang mga ganitong brutal na eksena.
No wonder tutol ang ibang mga magulang na ipapanood sa kanilang mga anak ang ganitong klase ng pagpaparusa sa kapwa. Imagine ministro ng isang simbahan animo’y nahuli sa pagdo-droga ang parusang ginawa ni Mark Anthony na nilapirot ang mukha ni PJ.
Maraming pumupuri sa acting nang gumanap na asawa ni PJ na para raw stage actress kahit hindi nila kakilala. Magaling din si Rowell Santiago na ayaw patalbog kay Edu.
Hindi kaya ma-insecure si Coco Martin sa mga kasamahang gumaganap dahil pulos facial expression lang ang ipinakikita niya sa TV screen? Sa totoo lang, mapapansing ang bawat karakter sa Ang Probinsyano ay pare-parehong nagpapasiklaban.
Alden at Maine nawalan na ng asim
Mukhang mahihirapan si Alden Richards na makuha ulit ang atensiyon ng mga manonood. Maging si Maine Mendoza rin ay parang wala nang pumapansin, kahit sabihin pang nagkakamabutihan sila ni Juancho Trivino.
Iba pa rin talaga ang hatak sa viewers kapag sila ni Alden ang magkatambal.
Mabuti na lang at may kanya-kanya silang endorsements kaya kahit papano ay naaalala pa rin ang love team nila.
Nakakahinayang para sa Kapuso network. Ang hirap pa namang mag-build up sa panahong ito na dumadagsa ang mga tisoy at tisay sa showbiz, iba kasi ang combination nina Alden at Maine, pang masa talaga. Kaya lang bakit ganun? Hindi sila nagtagal.
Sabi ng iba, hindi kasi inalagaan ng naturang network kaya ngayon tiyak na mahihirapan silang makatuklas ulit ng ganitong tambalan na humakot ng pera para sa kumpanya.
Anak ng dating artista, wagi rin sa eleksyon
Masaya si Amanda Amores sa pagkapanalo ng kanyang anak na dalaga na si Michelle China Yu bilang bagong kapitana sa Sto. Domingo, Quezon City.
Si Michelle ay dating kagawad at talaga namang maraming natulungan, bago pa man siya maging kapitana.
Personal…
Greetings to May born movie celebrities:
Makati Congressman Monsour Del Rosario; Quezon City Mayor Herbert Bautista, Bulacan Vice Governor Daniel Fernando; Sen. Nancy Binay, Yassi Pressman, James Reid, Rommel Placente, Rey Pumaloy, John Fontanilla, Jun Lalin, Superstar Nora Aunor, Alma Moreno at Helen Gamboa.