^

Pang Movies

Direk Toto naipanalo ng Probinsyano!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Direk Toto naipanalo ng Probinsyano!
Direk Toto at Coco

Nanalo na barangay chairman sa Navotas City ang action director na si Toto Natividad na biktima ng smear campaign pero hindi pinaniwalaan ng mga kababayan niya.

May mga ill-gotten wealth, babaero at sangkot sa drug pushing ang mga masasakit na bintang laban kay Toto ng detractors niya.

I’m sure, lumuluha ang mga nanira kay Toto dahil nabigo sila na wasakin ang pagkatao ng direktor ng FPJ’s Ang Probinsyano. Lalong nakuha ni Toto ang simpatiya ng kanyang mga kababayan na dinedma ang mga kumalat na paninira.

Siyempre, nakatulong din sa kandidatura ni Toto ang suporta ni Coco Martin at ng ibang stars ng Ang Probinsyano.

Tumulong sila sa kampanya ni Toto na maligayang-maligaya dahil sa walang anumang kapalit na suporta sa kanya ng mga artista ng Ang Probinsyano.

Winwyn Marquez din si Angelika dela Cruz na muling nahalal na kapitana ng barangay nila sa Malabon City.

Pareho ng kapalaran sina Toto (Natividad) at Angelika dahil victim din ang aktres ng mga paninira.

Take note, pareho pa ang campaign color ng dala­wa dahil violet ang kulay ng mga t-shirt na ginamit nila at ng kanilang mga supporter.

Ang kaibahan lang, mas scary ang experience ni Toto dahil ipinagtapat nito na may armed riding in tandem na umaaligid-aligid sa lugar nila noong kainitan ng kampanya.

Ngayong winner na siya, nag-promise si Toto na gagawin ang lahat para mapaglingkuran niya ang kanyang mga kabarangay. Ang sey niya, “Salamat po sa tiwala.Ako po ay magsisilbi sa inyo. To God be the glory.”

Janice at Amalia, dumating sa burol ni Cheng

Nakiramay si Janice de Belen sa pamilya ni Aga Muhlach dahil sa pagpanaw ng ama nito na si Cheng Muhlach.

May isang anak sina Janice at Aga, si Luigi, at ito ang koneksyon nila, kahit matagal nang natapos ang love affair nila.

Nagpunta kami ni Ricky Lo sa burol ni Cheng sa Heritage Park noong Lunes. “Naglagare” kami dahil magkatabi lang ang mga chapel na pinagbuburulan nina Cheng at former Senator Edgardo Angara.

Ramdam na ramdam ko na mahusay makisama ang dalawa dahil sa dami ng mga kaibigan nila na nakiramay sa kanilang mga naiwan na pamilya.

Si Aga ang punong-abala sa pag-aasikaso sa mga bisita. Ang ganda pa rin ng PR ni Aga na isa sa mga pinaka­mabait na artista sa Pilipinas. Alam n’yo ba na maraming tinutulungan si Aga pero hindi niya ibino-broadcast?

Naloka naman ako sa mga bulaklak sa chapel na pinagbuburulan ni Senator Angara. Nagmistulang garden ang chapel dahil sa dami ng mga bulaklak na hindi ko mabilang.

Ang anak ni Senator Edgardo Angara na si Senator Sonny Angara at ang misis nito na si Tootsie ang nag-istima sa mga bisita na nakiramay.

Ang dami ng mga nakikidalamhati ang isang basehan kapag mabait at mahusay makisama ang nasawi at napatunayan ito sa wake nina Senator Angara at Cheng.

May nagsabi sa akin na dumating sa burol ni Cheng sa Heritage Park ang kapatid nito na si Amalia Fuentes na na-stroke, three years ago.

Ang sabi ng mga saksi, nakasakay si Amalia sa wheelchair at kahit na-stroke siya, magandang-maganda pa rin ang former movie queen.

DIREK TOTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with