Daig pa ang international celebs at nagpi-feeling reyna Anne reynang-reyna, 34 million ang followers!

Wow, 9 million na ang followers ni Anne Curtis sa kanyang Instagram account.
Iba pa ‘yung sa followers niya sa Twitter na 10.6 million at 14.3 million sa Facebook.
So ang total number of followers niya ay almost 34 million.
Grabe, masasabing si Anne na nga ang reyna ng social media sa Pilipinas. Siya lang ang nag-iisang celebrity na may ganyan karaming followers sa social media.
Si Anne pa walang drama ha. Hindi siya umaarte-arte at nanglilito para pag-usapan.
At daig niya pa ang ibang international celebs ha.
Anyway, busy ngayon si Anne sa promo ng pelikula nila ni Dingdong Dantes na Sid & Aya (Not a Love Story) na showing na sa May 30.
Gago vs. User. Sinong panalo? Ito ang tema ng pelikula na majority sa mga eksena ay kinunan sa Japan directed by Binibing Joyce Bernal.
Ang ganda ng trailer at parang swak sa edad nila ang kuwento. Hindi pa cute at hindi pilit.

Paolo at Solenn
My 2 mommies pinipilahan pa rin
As of yesterday, more P35 million na ang kita ng My 2 Mommies starring Paolo Ballesteros, Solenn Heussaff with Maricel Soriano directed by Eric Quizon for Regal Films.
Bukod sa magandang box office result ng pelikula, maganda rin ang reviews nito at Graded A ng Cinema Evaluation Board.
At patuloy itong pinipilahan sa takilya. Kaya naman nagpa-thanksgiving si Mother Lily Monteverde kahapon.
- Latest