‘Sobrang lamig’ ganyan kung i-describe ni Aga Muhlach ang current weather sa Greenland (in Denmark) kung saan sila kasalukuyang nagshu-shoot ng pelikula ni Alice Dixson as his leading lady, also titled, Greenland na idinirek ni Veronica Velasco.
Bumagay naman kay Aga ang weather dahil mahilig daw siya sa malalamig na lugar.
Ayon sa assistant ni Aga na si Ian Hacbang na kasama niya rin sa Greenland bukod kina Alice, Direk Velasco at ibang staff ng produksyon, baka raw makauwi sila sa kalagitnaan pa ng May. Pero ang pagkakaalam daw niya ay hindi rin sila magtatagal sa Pilipinas, dahil sa Canada naman sa June 4, magsisimulang kunan ang ibang shot ng nasabing pelikula.
At the helm naman of this yet untitled flick is Paul Soriano.
Sa isang pag-uusap namin recently with one of Star Cinema’s creative writers, Mel del Rosario, hinahanda na raw niya ang story at script para sa upcoming movie na gagawin nina Aga and Lea Salonga.
Huling napanood ang dalawa sa Sana Maulit Muli, na nai-release noong 1995 pa. Direk Olive Lamasan, now the managing director of Star Cinema, directed it.
Of Aga’s wife, Charlene Gonzales, nag-birthday na siya kahapon May 1, yes, quietly, with her and Aga’s twins, Atasha and Andres, plus her Mom, Elvie Gonzales.
At her age, maganda pa rin si Charlene na kinoronahang 1994 Binibining Pilipinas Miss Universe.
Wala na ba siyang balak magbalik-showbiz? Tanong namin kay Charlene, who is both noted actress and tv host. She remains a good dancer, too, as when she hosted her own dance show, Dancing Queen, on ABS-CBN.
“Well, I told her,” ani Elvie, na siyang tumatayong talent manager ni Charlene at ng kanyang kambal na apo, “na kung may magandang offer, she should consider it.
“Pero, kailangan with Aga’s permission,” dagdag pa ni Elvie.
Elizabeth tuloy ang panggagamot
Kasama pala si Elizabeth Oropesa sa big delegation of filmmakers and artists sa dumalo sa Far East Film Festival, na ginanap sa Udine, Italy last April 24 to 29.
Film Development Council of the Philippine (FDCP) chair Liza Diño head the delegation.
Pelikula ni Oropesa ang Si Chedeng at Si Apple, kung saan nakasama niya si former Miss Universe Miss Gloria Diaz, sa competition. Likewise, she was assigned bilang one of the speakers at the Sandaan: Philippine Cinema Centennial Conference.
Still active pa rin sa showbiz si Oropesa, now in her 50’s na kilalang kilala rin ng mga pasyente niya, yes, from all walks of life, as an effective and licensed herbalist and acupuncturist.
Mayroon siyang clinic along Roces Avenue in Quezon City.
Single/single, ipalalabas na sa mga sinehan
Today (May 2) ang opening in theaters nationwide ng 13 episode series, Single/Single, na naging big thing on Cable, produced by Cinema One and Philippine Star. Na ngayon ay isang movie na.
Still starring its original stars, Shaina Magdayao and Matteo Guidicelli, plus Cherie Gil, Ricky Davao, Anna Luna, Brian Sy and JC Santos, Single/Single (with the additional title: Love Is Not Enough), ay hindi na si Pepe Diokno ang director.
Dinidirek na ito ngayon nina Veronica Velasco at Pablo Biglang-awa, Jr. kasama ang mga writer na sina Lilet Reyes at Jinky Laurel.
Single/Single: Love Is Not Enough a joint venture of Cinema One and Philippine Star, Star Ci- nema is releasing it.